Li Baodong
- Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Li.
Si Li Baodong (Pinapayak na Intsik: 李保东; ipinanganak noong Abril 1955) ay isang diplomatang Intsik at naging Permanenteng Representatibo ng Republikang Popular ng Tsina sa Mga Nagkakaisang Bansa magmula noong 2010.
Li Baodong 李保东 | |
---|---|
Permanenteng Kinatawan at Embahador ng Tsina sa Mga Nagkakaisang Bansa | |
Nasa puwesto Marso 4, 2010 – Oktubre 26, 2017 | |
Nakaraang sinundan | Zhang Yesui |
Sinundan ni | Ang sarili niya bilang Punong Ministro ng Republika ng Tsina |
Personal na detalye | |
Isinilang | Beijing | 1 Abril 1955
Kabansaan | Intsik |
Partidong pampolitika | Partidong Komunista ng Tsina |
Alma mater | Pamantasan ng Araling Pang-ugnayang Panlabas ng Beijing Pamantasang Johns Hopkins |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Li noong Abril 1955 at taal na mula sa Beijing. Natapos niya ang kaniyang mga pag-aaral mula sa Beijing Foreign Studies University at Johns Hopkins University.[1] Pagkaraan makapagtapos mula sa pamantasan, pumasok si Li sa paglilingkod na pangdiplomasya at nanunungkulan sa sari-saring mga puwesto sa Ministeryo ng Ugnayang Panlabas. Mula 2005 hanggang 2007, naglingkod siya bilang Embahador sa Zambia. Noong 2007, naitalaga si Li bilang Permanenteng Kinatawan ng Republikang Popular ng Tsina sa Tanggapan ng Mga Nagkakaisang Bansa sa Hinebra at iba pang mga organisasyong pandaigdigan sa Switzerland. Noong 2010, itinalaga siya bilang Permanenteng Kinatawan ng Tsina sa Mga Nagkakaisang Bansa bilang kapalit ni Zhang Yesui.[2] Noong mga buwan ng Maso 2011 at Hunyo 2012, si Li ay naging Pangulo ng Konsilyo ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa.[3]
Kasal siya at mayroong isang anak na lalaki.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "New Permanent Representative of China Presents Credentials". Un.org. 2010-03-04. Nakuha noong 2012-10-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ambassador Li Baodong, Permanent Representative of China to the United Nations, Presents His Credentials to the Scretary-General of the United Nations". Mfa.gov.cn. 2010-03-04. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-18. Nakuha noong 2012-10-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Security Council Press Statement on Côte d'Ivoire". Un.org. 2011-03-03. Nakuha noong 2012-10-13.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ [1][patay na link]
Diplomatic posts | ||
---|---|---|
Sinundan: Zhang Yesui |
Permanenteng Kinatawan at Embahador ng Tsina sa Mga Nagkakaisang Bansa 2010 – kasalukuyan |
Susunod: Incumbent |