Liberace
Si Wladziu Valentino Liberace o Vladziu Valentino Liberace[1] ( /lʔb?rˈ??t?i/ lib-?r-AH-chee; 16 Mayo 1919 – 4 Pebrero 1987), na higit na nakikilala bilang Liberace, ay isang Amerikanong piyanista[2] at bokalista na pinagmulang lahi na Polako-Italyano.
Liberace | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Mayo 1919
|
Kamatayan | 4 Pebrero 1987
|
Libingan | Forest Lawn – Hollywood Hills Cemetery |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | piyanista, musiko, mang-aawit, manunulat, awtobiyograpo, artista sa pelikula, artista, artista sa telebisyon |
Sa isang larangan na sumaklaw sa apat ng mga dekada ng mga konsiyerto, mga pagrerekord, mga pelikula, telebisyon at mga pagtangkilik (pag-eendorso), si Liberace ay naging tanyag sa buong mundo. Noong dekada ng 1950 hanggang dekada ng 1970, siya ang naging isang tagapagtanghal na mang-aaliw na may pinakamalaking halaga sa buong mundo[3] at yumakap sa isang gawi ng pamumuhay na mayroong kalabisang may karangyaan kapwa habang nasa entablado at habang hindi nagtatanghal.
Palagi niyang itinatanggi na siya ay isang homoseksuwal noong siya ay nabubuhay pa, at idinemanda niya ang mga taong nagpaparatang sa kaniya na siya nga ay homoseksuwal. Noong panahon na papunta na siya sa katapusan ng kaniyang buhay, inihabla siya ng kaniyang tsuper dahil sa "palimonya" (mula sa Ingles na mga salitang pal na may ibig sabihing "kaibigan" o "katoto" at alimoniya na may kahulugang "sustento"). Namatay siya noong 1987 dahil sa isang karamdaman na may kaugnayan sa AIDS.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Ancestry of Liberace".
- ↑ 88 notes pour piano solo, Jean-Pierre Thiollet, Neva Editions, 2015, p. 163. ISBN 978-2-3505-5192-0
- ↑ Barker, 2009, p. 367.
Mga kawing na panlabas
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.