Libingan ni Haring Dongmyeong
Ang Libingan ni Haring Dongmyeong (Dongmyeongwangneung, Choson'gul: 동명왕릉, Hanja: 東明王陵) ay isang mosoleyo na malapit sa Ryongsan-ri, Ryeokpoguyeok, Pyongyang, Hilagang Korea. Nilalaman ng naturang libingan ang mga labi ni Dongmyeong, ang tagapag-tatag ng sinaunang kaharian ng Goguryeo, ang pinaka-hilaga sa mga Tatlong Kaharian ng Korea.[1]. Ang lugar sa palibot ng libingan ay naglalaman ng mga labinlimang libingan na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng iba't ibang mga punong basalyo, at natamo ng lugar ang estadong World Heritage bilang Hugnayan ng mga Libingan ng Goguryeo[2]. Ang kasalukuyang hugnayan ng mga libingan, gayon man, ay naisa-moderno. Bilang libingan ng tagapag-tatag ng Goguryeo, isang panahon na partikular na interes ng pamahalaan ng Hilagang Korea, napili ang naturang libingan para sa "restorasyon" o pagpapanumbalik noong 1993, ang prosesong kakailanganin ang kumpletong pagtanggal ng lahat ng orihinal na mga gusali, estruktura, at monumento upang makalikha ng bagong puting marmol na puntod. Nilalaman din ng hugnayan ang muling isinagawang templong Budista ng Jongreungsa, kung saan ginaganap ang mga serbisyong puneral ng pumanaw na monarko. Ang templo, na kung saan ipinahukay ang mga pundasyon nito noong 1974, ay muling inayos upang gunitain ang ika-2,300 kapanganakan ni Dongmyeong[3] [4].
Mga sanggunian
baguhin- ↑ http://www.vnctravel.nl/northkorea/?City_Guide:Pyongyang:Mausoleum_of_Tongmyong
- ↑ http://whc.unesco.org/en/list/1091
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-09. Nakuha noong 2010-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-20. Nakuha noong 2010-07-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.