Ang Liciada ay isang barangay sa bayan ng Bustos, Bulacan. Ang pangalan ay nanggaling sa salitang luciada, isang uri ng puno ayon sa isang kuwentong bayan.

Kalapit barangay nito ay ang Cupang, Malamig, Catacte at Buisan. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Liciada ay ang pagsasaka, livestock at ang ilan pang pagnenegosyo tulad ng sari-sari store, hardware, computer shop at buy and sell.

Ang Mababang Paaralan ng Liciada at Alexis G. Santos National High School gayundin ang San Isidro Parochial School ang ilan sa mga paaralang matatagpuan dito.

Si Kap. Martin Angeles ang kasalukuyang punong-barangay.