Ang ligas[1] (Ingles: mistletoe; Kastila: muerdago, ligas) ay isang pangkaraniwang pangalan sa isang maliit na punong parasito na may nakalalasong dagta at dahon, subalit may nakakaing bungang kahawig ng mula sa kasoy. Isa rin itong pangkalahatang katawagan para sa isang grupo ng mga parasitikong mga halaman sa orden ng mga Santalales na lumalaking nakakabit sa at maging sa loob ng mga sanga ng isang puno o palumpong. Siyam na ulit lamang naganap at umunlad ang parasitismo sa kaharian ng mga halaman;[2] mula sa bilang na ito, sariling naganap at umunlad ang gawi ng parasitikong ligas na ito nang limang ulit: kaya't nabilang sa mga ligas ang mga Misodendraceae, Loranthaceae, Santalaceae (dating itinuturing na isang kahiwalay na pamilyang Eremolepidaceae), at Santalaceae (dating itinuturing na isang kahiwalay na pamilyang Viscaceae). Bagaman inilagay ang Viscaceae at Eremolepidaceae sa isang may malawakang-pagkakahulugan Santalaceae sa pamamagitan Grupong 2 ng Angiospermang Piloheniya, magkahiwalay at may sarili silang pinagmulan, ayon sa mga sekwesiyang DNA ni Dan Nickrent, mula sa Katimugang Pamantasan ng Illinois.

Ilan sa mga halimbawa uri ng mga ligas ang Phoradendron leucarpum, Viscum album, at Viscum coloratum.[3] Isang pangkaraniwang halamang pandekorasyong pamasko ang ligas, halimbawa na ang uring Phoradendron flavescens.

Sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James (1977). "Ligas". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Job Kuijt, Biology of Parasitic Flowering Flants (Pamantasan ng California) 1969.
  3. "Mistletoe"15 Naka-arkibo 2006-12-09 sa Wayback Machine., HCV & CAM: Dietary Supplements to Avoid, HCSP Factsheet, Hepatitis C Support Project, HCVAdvocate.org (...) 15Mistletoe is being researched in Europe as a treatment for HCV. Mistletoe is toxic and should not be used outside of a clinical research setting. (...) [Sinasaliksik ang ligas sa Europa bilang isang lunas para sa HCV. Nakalalason ang ligas at hindi dapat gamitin sa labas ng hindi gawaing pananaliksik na klinikal], Agosto 2007