Sinag-taon
(Idinirekta mula sa Light years)
Ang sinag-taon o taóng liwanag (salin ng Ingles na light-year, sagisag: ly) ay ang yunit ng distansiyang astronomikal o layong tinatahak ng liwanag na dumaraan sa bakyum (lugar na may kawalan ng hangin) sa loob ng isang taóng Gregoryano. Katumbas ito ng 9.4607 trilyong kilometro o 5.8786 trilyong milya.[1]
Ang sinag-taón ay pinakakalimitang ginagamit na panukat ng layo ng mga bituin at iba pang layo sa iskalang galaktiko. Ang yunit na pinakakaraniwang ginagamit sa astrometriyang propesyonal ay ang parsec (sagisag: pc, katumbas ng mga 3.26 sinag-taon).
Mga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.