Likasi
Ang Likasi (mga dating pangalan: Jadotville sa wikang Pranses at Jadotstad sa wikang Olandes) ay isang lungsod sa lalawigan ng Haut-Katanga, sa timog-silangang Demokratikong Republika ng Congo.
Likasi Jadotville | ||
---|---|---|
Likasi (bilang Jadotville) noong dekada-1930. | ||
| ||
Mga koordinado: 10°58′53″S 26°44′00″E / 10.98139°S 26.73333°E | ||
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo | |
Lalawigan | Lalawigan ng Haut-Katanga | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 235 km2 (91 milya kuwadrado) | |
Taas | 1,318 m (4,324 tal) | |
Populasyon (2012) | ||
• Kabuuan | 447,500 | |
• Kapal | 1,900/km2 (4,900/milya kuwadrado) | |
Sona ng oras | UTC+2 (Oras ng Lubumbashi) | |
Climate | Cwa |
Kasaysayan
baguhinPaglusob ng Jadotville (Siege of Jadotville)
baguhinNoong 1961, sa kasagsagan ng pamamagitan ng Mga Nagkakaisang Bansa (UN) sa labanan sa Katanga, isang pangkat ng mga taga-Irlanda na tropang UN na ipinadala sa Jadotville ay napilitang sumuko sa mga kawal na matapat sa punong ministro ng Katanga na si Moise Tshombe.
Klima
baguhinAng Likasi ay may klimang subtropiko na halumigmig (Köppen: Cwa).
Datos ng klima para sa Likasi | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Arawang tamtaman °S (°P) | 21.4 (70.5) |
21.5 (70.7) |
21.5 (70.7) |
20.9 (69.6) |
18.6 (65.5) |
16.2 (61.2) |
15.9 (60.6) |
18.1 (64.6) |
21.3 (70.3) |
22.8 (73) |
22.3 (72.1) |
21.7 (71.1) |
20.2 (68.4) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 212 (8.35) |
205 (8.07) |
214 (8.43) |
62 (2.44) |
6 (0.24) |
0 (0) |
0 (0) |
0 (0) |
8 (0.31) |
65 (2.56) |
177 (6.97) |
226 (8.9) |
1,175 (46.27) |
Sanggunian: Climate-Data.org[1] |
Mga paghahati
baguhinNahahati ang Likasi sa apat na mga komyun (communes)
- Kikula
- Likasi
- Panda
- Tshituru
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2005 | 367,500 | — |
2012 | 447,500 | +21.8% |
Pagtataya 2005: [2] |
Ang Likasi ay may tinatayang populasyon ng humigit-kumulang 447,500 katao noong 2012. Noong dekada-1990 nagtayo ang Mga Nagkakaisang Bansa (UN) sa Likasi ng mga sentro para sa pagpapakain at sa mga lumikas upang tumulong sa mga tumakas mula sa karahasang etniko sa Shaba.[3] Ang kanilang pagdagsa ay nagpadagdag ng 41,000 katao sa populasyon ng lungsod.[4]
Ekonomiya
baguhinNananatili pa ring sentro ng industriya ang Likasi, lalo na sa pagmimina,[5] at bilang isang pusod ng transportasyon para sa karatig-pook. May mga minahán at dalisayan (refineries) na tinutustusan ng mga kalapit na deposito ng tanso at kobalto.[6] Mayroon din isang inabandonang minahán ng ginto sa lungsod na naubusan na ng ginto, pero hinuhukay pa rin ng mga minerong artisano.
Transportasyon
baguhinPinaglilingkuran ang Likasi ng isang estasyon ng sistena ng pambansang daambakal. Karamihan sa mga tren ay pangkargamento at hindi pampasahero.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Climate:Likasi". Climate-Data.org. Nakuha noong 10 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "DWW bought a building for RADEM maternity in Congo". Doctors Worldwide. 28 Setyembre 2005. Nakuha noong 28 Marso 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ ACC/SCN Secretariat with Shoham, Jeremy (8 December 1993) "Current Situation: 11. Shaba Region, Zaire" Naka-arkibo 2011-05-24 sa Wayback Machine. Refugee Nutrition Information System (RNIS), No. 2 - Report on the Nutrition Situation of Refugee and Displaced Populations United Nations Administrative Committee on Coordination, Sub-committee on Nutrition, Geneva
- ↑ ACC/SCN Secretariat with Shoham, Jeremy (17 October 1994) "Current Situation: 11. Shaba/Kasai Regions, Zaire" Naka-arkibo 2011-05-24 sa Wayback Machine. Refugee Nutrition Information System (RNIS), No. 7 - Report on the Nutrition Situation of Refugee and Displaced Populations United Nations Administrative Committee on Coordination, Sub-committee on Nutrition, Geneva
- ↑ Harding, Andrew (27 March 2009)"Slowdown blights DR Congo economy" BBC News, accessed 27 March 2009
- ↑ Rorison, Sean (2008) "Likasi" Congo: Democratic Republic and Republic Bradt Travel Guides, Chalfont St. Peter, England, pp. 143-145 ISBN 1-84162-233-8
Mga kawing panlabas
baguhin- Likasi- Jadotville Naka-arkibo 2008-10-22 sa Wayback Machine.