Ang likod ng tao o likuran ng tao ay ang malaking panglikurang lugar ng katawan ng tao (likod ng katawan ng tao), na nagmumula sa itaas ng puwitan magpahanggang sa likod ng leeg at ng mga balikat. Ito ang kapatagang nasa kabila ng dibdib, na ang taas ay ayon sa haliging panggulugod o kolumnang bertebral (pangkaraniwang tinutukoy bilang butong panglikod, gulugod, kuyukod, espina, o balugbog), at ang lapad ay sinusuportahan ng kulungan ng tadyang at ng mga balikat. Lumalagos ang kanal na panggulugod (kanal na espinal) sa gulugod at nagbibigay ng mga ugat-pandama o mga nerbyo (mga nerb) sa ibang mga bahagi ng katawan.

Likod ng tao

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.