Si Liliosa Hilao (namatay noong 1973) ay isang 23 taong gulang na ikaapat na taong iskolar ng pamamahayag sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at punong patnugot ng HASIK na publikasyong pangmag-aaral. Siya ay isang pinunong mag-aaral at magtatapos na summa cum laude. Noong Panahong Batas Militar ni Ferdinand Marcos, ang ilang mga patakaran upang isupil ang mga paglilimbag ay itinakda ni Marcos. Ang HASIK ay naglimbag ng mga artikulo na bumatikos sa administrasyon ni Ferdinand Marcos. Noong 1972, na taong idineklara ang batas militar, ang HASIK at maraming mga pambansa at pangpaaralang mga diyaryo ay ipinasara. Bilang punong patnugot ng HASIK, si Liliosa ay tinawag na "nagpapabagsak" ng rehimeng Marcos. Noong Abril 4, 1973, mga dalawang linggo bago magtapos, si Hilao ay dinukot ng apat na ahente ng Constabulary Anti-Narcotics Unit (CANU) na pinangunahan ni Lt. Rodolfo Garcia sa tahanan ni Hilao sa Project 2 sa Quezon City. Pagkatapos ng dalawang araw, si Hilao ay natagpuang patay at bumubula ang bibig sa banyo ng CANU headquarters. Ayon sa mga ulat, ang asido muryatiko ay sapilitang binuhos sa kanyang lalamunan na sumunog ng kanyang lalamunan at mga baga, at agad na namatay si Hilao. Ang isang independiyenteng pagsisiyasat ay nagpakitang si Hilao ay labis na pinahirapan at ginahasa bago pinatay. Bagaman isinaad ng militar na nagpatiwakal si Hilao, ito ay hindi pinaniwalaan ng kanyang pamilya. Ang opisyal ng militar na pangunahing responsable sa kanyang pagpapahirap at pagpatay ay si Tenyente Arthur Castillo na nanatili sa pagsisilbi sa Militar. Noong Abril 7, 1986, ang isang pangkat ng mga ipinabilanggong politika na Society of Ex-Detainees Against Detention and for Amnesty (SELDA) ay naghain ng isang kaso laban sa pamilyang Marcos sa Federal District Court sa Honolulu, Hawaii para sa mga paglabag sa karapatang pantao, at nagwagi sila laban sa pamilyang Marcos.