Lillian Gish
Si Lillian Diana Gish (Oktubre 14, 1893 – Pebrero 27, 1993) ay isang Amerikanong aktres, na itinuturing na isa sa mga pangunahing indibidwal ng maagang industriya ng pelikula sa Estados Unidos. Tinaguriang ang "Unang Ginang ng Pelikulang Amerikano",[b] madalas siyang ihanay bilang isa sa mga pangunahing aktres ng panahon ng mga pelikulang tahimik.[1]
Lillian Gish | |
---|---|
Kapanganakan | 14 Oktubre 1893 |
Kamatayan | 27 Pebrero 1993 Lungsod ng New York, Estados Unidos | (edad 99)
Trabaho | Aktres[a] |
Aktibong taon | 1902–1988 |
Magulang |
|
Kamag-anak | Dorothy Gish (kapatid) |
Pirma | |
Gumanap si Gish sa mga pelikula ng direktor na si D.W. Griffith noong dekada 1920s. Bagamat una siyang umarte sa pelikulang maiksi na An Unseen Enemy (1912), nakilala ang kanyang pangalan dahil sa pagganap niya sa The Birth of a Nation (1915). Umani rin siya ng mga papuri mula sa kritiko para sa kanyang pagganap sa Intolerance (1915) at Broken Blossoms (1919). Noong 1920, dinirek niya ang kanyang kapatid para sa pelikulang Remodelling Her Husband. Lumipat siya sa Metro-Goldwyn-Mayer noong 1925, at doon, binigyang-laya siya ng istudyo para sa mga pelikulang ginanapan niya, katulad ng La Bohème (1926) at sa The Wind (1928), ang pinakahuling niyang pag-arte sa isang pelikulang tahimik.
Umarte rin si Gish sa mga pelikulang may tunog pagsapit ng dekada 1930s, mula sa pelikulang One Romantic Night (1930). Gayunpaman, bihira na lang siyang umarte at bumalik sa teatro. Nakakuha siya ng isang nominasyon para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres sa Gawad Academy para sa pelikulang Duel in the Sun (1946). Malaki rin ang kanyang mga pagganap para sa mga pelikulang Portrait of Jennie (1948), The Night of the Hunter (1955), A Wedding (1978) at Sweet Liberty (1986). Bukod sa pelikula at teatro, lumabas din siya sa mga teleserye sa telebisyon mula noong dekada 1950s. Huli siyang gumanap sa pelikulang The Whales of August (1987), kung saan nakatanggap siya ng mga papuri. Namatay siya noong 1993 dahil sa pagpalya ng puso, ilang buwan bago ang kanya sanang sentenaryo.
Itinuturing si Gish bilang isa sa mga prominenteng aktres noong panahon ng mga pelikulang tahimik. Ayon sa listahan ng American Film Institute, ika-17 siya sa pinakamahuhusay na aktres ng klasikal na pelikulang Amerikano.[2] Natanggap ni Gish ang isang honorary award mula sa Gawad Academy para sa kanyang mga kontribusyon sa industriya, at noong 1984, tinanggap niya ang Lifetime Achievement Award ng American Film Institute.
Buhay
baguhinIpinanganak si Lillian Gish noong ika-14 ng Oktubre 1893 sa lungsod ng Springfield sa Ohio, Estados Unidos. Siya ang panganay na anak nina James Leigh Gish at Mary Robinson McConnell. Kapatid niya si Dorothy, na naging isang sikat na aktres din.
Dahil sa pagiging lasinggero ng kanilang tatay, ang nanay nila ang sumuporta lamang sa kanila. Nag-debut sa pag-arte sa teatro si Gish noong 1902 kasama ng kapatid niya. Lumipat sila kalaunan sa Silangang St. Louis sa Illinois at nagtayo ng isang negosyo sa tabi ng isang teatro. Matapos masunog ang naturang teatro, lumipat sila sa lungsod ng New York, kung saan nakilala nila si Gladys Smith, na nagpajkilala sa kanila sa direktor na si D.W. Griffith.[1] Artista ni Griffith si Smith, na umaarte sa ilalim ng pangalang Mary Pickford, at sa tulong niya, pumirma ang magkapatid na Gish ng isang kontrata sa ilalim ng Biograph Studios.[3]
Lumabas si Gish sa mga pelikulang maiiksi ni Griffith noong unang bahagi ng dekada 1910s, simula sa An Unseen Enemy (1912). Sa panahong ito, hindi ganong kalaki ang merkado para sa pelikula, kaya naman umarte pa rin ang magkapatid na Gish sa teatro. Gayunpaman, nagsimulang umusad ang career ni Lillian sa pelikulang The Birth of a Nation (1915). Lalo pa siyang nakilala sa mga sumunod na pelikula ni Griffith, tulad ng Intolerance (1915) at Broken Blossoms (1919). Partikular na pinuri siya ng mga kritiko sa kanyang estilo ng pag-arte.[1] Naranasan niya ang pagiging direktor para sa pelikulang Remodelling Her Husband (1920),[1] na pinagbidahan ng kapatid niya. Ito lang ang kanyang kaisa-isang pelikulang dinirek; ayon sa kanya sa isang panayam ukol rito, isang "panlalaking trabaho" ang pagdidirek ng pelikula.[3]
Lumago pa lalo ang career ni Gish sa dekada 1920s, kung saan umalis siya sa Biograph Studios noong 1922 at lumipat sa Metro-Golden-Mayer noong 1925.[1] Dito, nabigyang-laya si Gish na kontrolin ang takbo ng kuwento ng mga pelikulang pinaggaganapan niya, isang napakapambihirang pribilehiyo. Kabilang sa mga pelikulang may kontrol siya ay ang La Bohème (1926) at sa The Wind (1928), ang kanyang pinakahuling pelikulang tahimik.
Pagsapit ng mga pelikulang may tunog noong dekada 1930s, bihira na lang siyang lumabas sa mga pelikula, kumpara noong panahong ng mga pelikulang tahimik. Lumabas siya sa pelikulang One Romantic Night (1930), ang kanyang kauna-unahang kredit sa isang pelikulang may tunog. Sa panahong ito, bumalik muli si Gish sa teatro, kung saan umarte siya sa mga produksiyon ng Uncle Vanya (1930), Camille (1932), Hamlet (1936), at marami pang iba.[1] Bahagyang bumalik sa pelikula si Gish nung sumunod na dekada, una sa pelikulang The Commandos Strike at Dawn (1942), at partikular na sa Duel in the Sun (1946), kung saan siya nakatanggap ng isang nominasyon para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres mula sa Gawad Academy.
Noong dekada 1950s, nagsimula ring lumabas si Gish sa mga teleserye at pelikulang pantelebisyon. Bagamat bihira na lang siyang lumabas sa mga pelikula mula sa puntong ito, naging adbokasiya niya ang pagtangkilik at pagpreserba sa mga pelikulang tahimik. Noong 1971, natanggap niya ang isang honorary award mula sa Gawad Academy para sa kanyang "superlatibong pag-arte at para sa mga naiambag niya sa paglago ng mga pelikula."[1][c] Noong 1984, siya ang pangalawang babaeng nakatanggap sa Lifetime Achievement Award ng American Film Institute. Huli siyang gumanap sa pelikulang The Whales of August (1987), kung saan nakatambalan niya si Bette Davis at umani siya ng mga papuri mula sa mga kritiko.[1]
Namatay siya noong ika-27 ng Pebrero 1993 sa edad na 99 sa lungsod ng New York, ilang buwan bago ang kanya sanang sentenaryo.[4]
Pilmograpiya
baguhinPelikula
baguhinBago dekada 1930s
baguhinTaon | Pelikula | Karakter | Impormasyon |
---|---|---|---|
1912 | An Unseen Enemy (Di-Makitang Kalaban) | Kapatid na Babae | maiksing pelikula |
Two Daughters of Eve (Dalawang Anak ni Eba) | Ekstra sa Teatro | ||
So Near, yet So Far (Napakalapit, ngunit Napakalayo) | Kaibigan | ||
In the Aisles of the Wild (Sa mga Pasilyo ng Kagubatan) | Batang Anak | ||
The One She Loved (Ang Kanyang Minahal) | di alam | ||
The Painted Lady (Ang Pinintang Ginang) | Belle sa Pista ng Sorbetes | hindi na-credit; maiksing pelikula | |
The Musketeers of Pig Alley (Ang mga Musketero ng Pig Alley) | Batang Babae | maiksing pelikula | |
Gold and Glitter (Ginto at Kinang) | Batang Babae | ||
My Baby (Bebe Ko) | di-alam | ||
The Informer (Ang Impormante) | ekstra | ||
Brutality (Kalupitan) | Nasa Teatro | ||
The New York Hat (Ang Sumbrero ng New York) | Kustomer ng Tindahan / Nasa Simbahan | ||
The Burglar's Dilemma (Ang Problema ng Magnanakaw) | Bumati sa May Kaarawan | ||
A Cry For Help (Paghingi ng Tulong) | Kasambahay | ||
1913 | Oil and Water (Langis at Tubig) | Nasa Unang Audience | hindi na-credit; maiksing pelikula |
The Unwelcome Guest (Ang Di-Imbitadong Panauhin) | Nasa Subastahan | ||
A Misunderstood Boy (Ang Di Naintindihang Lalaki) | Anak | maiksing pelikula | |
The Left-Handed Man (Ang Lalaking Kaliwete) | Anak ng Matandang Sundalo | ||
The Lady and the Mouse (Ang Babae at ang Daga) | Unang Anak | ||
The House of Darkness (Ang Tahanan ng Kadiliman) | Nars | ||
Just Gold (Ginto Lang) | Ang Sweetheart | ||
A Timely Interception (Napapanahong Pagharang) | Anak ng Magsasaka | ||
A Mothering Heart (Ang Puso ng Ina) | Batang Asawa | ||
An Indian's Loyalty (Ang Katapatan ng Indiyano) | Anak ng Rantsero | ||
During the Round-Up (Habang Nagtitipon) | Anak ng Rantsero | ||
A Woman in the Ultimate (Ang Babae sa Pinakahuli) | Verda | ||
A Modest Hero (Isang Mapagkumbabang Bayani) | Asawa | ||
So Runs the Way (Kaya Tumatakbo ang Paraan) | Asawa ni Fred | ||
Madonna of the Storm (Ang Madonna ng Bagyo) | Nanay | ||
The Battle at Elderbush Gulch (Ang Labanan sa Elderbush Gulch) | Melissa Harlow | ||
The Conscience of Hassan Bey (Ang Konsensya ni Hassan Bey) | Anak ng Gumagawa ng Basahan | ||
The Little Tease (Ang Maliit na Tukso) | Babaeng Naka-bandana | ||
1914 | The Green-Eyed Devil (Ang Demonyong May Berdeng Mata) | Mary Miller | |
Judith of Bethulia (Judith ng Bethulia) | Ang Batang Ina | ||
The Battle of the Sexes | Jane Andrews | nawawalang pelikula | |
The Hunchback (Ang Kuba) | Ang Ampon (sa Pagtanda) | maiksing pelikula | |
The Quicksands (Ang Mga Kumunoy) | di-alam | ||
Home, Sweet Home (Tahanan, O Tahanan) | Kasintahan ni Payne | ||
Lord Chumley (Ginoong Chumley) | Eleanor Butterworth | maiksing pelikula | |
The Rebellion of Kitty Belle (Ang Rebelyon ni Kitty Belle) | Kitty Belle | ||
The Angel of Contention (Ang Anghel ng Pagtatalo) | Nettie ang Anghel | ||
Man's Enemy (Kalaban ng Tao) | Grace Lisle | ||
The Tear That Burned (Ang Luhang Nasunog) | Anita ang Tamad | ||
The Folly of Anne (Ang Katangahan ni Anne) | Anne | ||
The Sisters (Ang Magkapatid na Babae) | May | ||
1915 | The Birth of a Nation (Ang Kapanganakan ng isang Bansa) | Elsie | |
The Lost House (Ang Nawawalang Bahay) | Dosia Dale | nawawalang maiksing pelikula | |
Enoch Arden | Annie Lee | maiksing pelikula | |
Captain Macklin (Kapitan Macklin) | Beatrice | nawawalang maiksing pelikula | |
The Lily and the Rose (Ang Liryo at Ang Rosas) | Mary Randolph | maiksing pelikula | |
1916 | Pathways of Life (Mga Daanan ng Buhay) | di-alam | |
Daphne and the Pirate (Si Daphne at ang Pirata) | Daphne La Tour | ||
Sold For Marriage (Binenta para sa Kasal) | Marfa | ||
An Innocent Magdalene (Inosenteng Magdalena) | Dorothy Raleigh | nawawalang pelikula | |
Intolerance (Kawalang-paraya) | Ang Babaeng Nag-uuga sa Duyan / Ina Walang-hanggan | ||
Diane of the Follies (Si Diane ng mga Kalokohan) | Diane | nawawalang pelikula | |
The Children Pay (Ang mga Bata ang Nagbabayad) | Millicent | ||
The House Built Upon Sand (Ang Tahanang Itinayo sa Buhangin) | Evelyn Dare | nawawalang pelikula | |
1917 | Souls Triumphant (Mga Kaluluwang Matagumpay) | Lillian Vale | |
1918 | Hearts of the World (Mga Puso ng Mundo) | Marie Stephenson | |
The Great Love (Ang Dakilang Pag-ibig) | Susie Broadplains | nawawalang pelikula | |
Lillian Gish in a Liberty Loan Appeal (Si Lillian Gish sa isang Apela sa Utang sa Kalayaan) | Bilang Siya | ||
The Greatest Thing in Life (Ang Pinakadakilang Bagay sa Buhay) | Jeannette Peret | ||
1919 | A Roamnce of Happy Valley (Romansa sa Masayang Lumbak) | Jenie Timberlake | |
Broken Blossoms (Mga Nasirang Bulaklak) | Lucy Barrows | ||
True Heart Susie | True Heart Susie | ||
The Greatest Question (Ang Pinakamatinding Katanungan) | Nellie Jarvis | ||
1920 | Way Down East (Bandang Silangan) | Anna Moore | |
1921 | Orphans of the Storm (Mga Ulila ng Bagyo) | Henriette Girard | |
1923 | The White Sister (Ang Puting Kapatid) | Angela Chiaromonte | |
1924 | Romola | Romola | |
1925 | Ben-Hur: A Tale of the Christ (Ben-Hur: Isang Kuwento ng Kristo) | Manonood sa karera ng mga chariot | cameo (hindi na-credit) |
1926 | La Bohème (Ang Bohimyano) | Mimi | |
The Scarlet Letter (Ang Pulang Sulat) | Hester Prynne | ||
1927 | Annie Laurie | Annie Laurie | |
The Enemy (Ang Kalaban) | Pauli Arndt | bahagyang kumpleto | |
1928 | The Wind (Ang Hangin) | Letty | Huling ginanapang pelikulang tahimik |
Mula dekada 1930s
baguhinTaon | Pelikula | Karakter | Impormasyon |
---|---|---|---|
1930 | One Romantic Night (Isang Gabing Romantiko) | Prinsesa Alexandra | Unang pagganap sa isang pelikulang may-tunog |
1933 | His Double Life (Kanyang Dobleng Buhay) | Alice Hunter | |
1942 | Commandos Strike at Dawn (Aatake ang mga Komando sa Takipsilim) | Ginang Bergesen | |
1943 | Top Man (Pinakaakmang Ginoo) | Beth Warren | Kilala rin sa pamagat na Man of the Family (Ang Ginoo ng Pamilya) |
1946 | Miss Susie Slagie's | Miss Susie Slagie | |
Duel in the Sun (Duelo sa Araw) | Laura Belle | Nominado para sa Pinakamahusay na Pansuportang Aktres ng Gawad Academy | |
1948 | Portrait of Jennie (Larawan ni Jennie) | Inang Maria ng Grasya | |
1955 | The Cobweb (Ang Agiw) | Victoria Inch | |
The Night of the Hunter (Gabi ng Mangangaso) | Rachel Cooper | ||
1958 | Orders to Kill (Mga Utos na Pumatay) | Ginang Summers | |
1960 | The Unforgiven (Ang Di Pinatawad) | Mattilda Zachary | |
1966 | Follow Me, Boys! (Sundan Niyo Ako, Mga Lalaki!) | Hetty Seibert | |
1967 | Warning Shot (Babalang Putok) | Alice Willows | |
The Comedians (Mga Komedyante) | Gng. Smith | ||
1969 | Arsenic and Old Lace (Arseniko at Lumang Puntas) | Martha Brewster | pelikulang pantelebisyon |
1976 | Twin Detectives (Kambal na Detective) | Billy Jo Haskins | |
1978 | Sparrow (Maya) | Balo | |
A Wedding (Isang Kasal) | Nettie Sloan | ||
1981 | Thin Ice (Manipis na Yelo) | Lola | pelikulang pantelebisyon |
1983 | Hobson's Choice (Pinili ni Hobson) | Bb. Molly Winkle | |
Hambone and Hillie (Hambone at Hillie) | Hillie Radcliffe | ||
1986 | Sweet Liberty (Matamis na Kalayaan) | Cecelia Burgess | |
1987 | The Whales of August (Mga Balyena ng Agosto) | Sarah Webber | Huling pagganap sa pelikula |
Labas sa pag-arte
baguhinTaon | Pelikula | Posisyon | Impormasyon |
---|---|---|---|
1920 | Remodelling Her Husband (Pagmodelo Muli sa Asawa Niya) | Direktor, manunulat ng iskrip |
Teleserye
baguhinTaon | Teleserye | Episode | Karakter | Impormasyon |
---|---|---|---|---|
1949 | The Ford Theatre Hour | S1E6 "Outward Bound" (Papalabas) | Ginang Midget | |
The Philco Television Playhouse | S1E19 "The Late Christopher Bean" (Ang Yumaong Christopher Bean) | Abby | ||
1951 | Celanese Theatre | "The Joyous Season" (Ang Masayang Panahon) | Sister Christina | |
Robert Montgomery Presents | "Ladies in Retirement" (Mga Retiradong Ginang) | di-alam | ||
1952 | Schlitz Playhouse of Stars | S1E26 "The Autobiography of Grandma Moses" (Ang Awtobiograpiya ni Grandma Moses) | Grandma Moses | |
1953 | The Philco Television Playhouse | "A Trip to Bountiful" (Paglalakbay sa Masagana) | Carrie Watts | |
1954 | Robert Montgomery Presents | "The Quality of Mercy" (Ang Kalidad ng Awa) | di-alam | |
The Campbell Playhouse | "The Corner Druggist" (Ang Durugista sa Kanto) | Bb. Harrington | ||
1955 | Kraft Television Theatre | "I, Mrs. Bibb" (Ako, Gng. Bibb) | Ginang Bibb | |
Playwrights '56 | "The Sound and the Fury" (Ang Tunog at Galit) | Ginang Compson | ||
1956 | Ford Star Jubilee | S1E6 "The Day Lincoln Was Shot" (Ang Araw ng Pagbaril kay Lincoln) | Mary Todd Lincoln | |
The Alcoa Hour | S2E4 "Morning's At Seven" (Umaga'y Alas-siete) | Esther Crampton | ||
1960 | The Play of the Week | S1E25 "The Glass Harp" (Ang Alpang Salamin) | Dolly Talbo | |
1962 | The Defenders | S2E14 "Grandma TNT" (Lola TNT) | Laura Clarendon | |
1963 | Mr. Novak | S1E7 "Hello, Miss Phipps" (Kamusta, Bb. Phipps) | Bb. Maude Phipps | |
Breaking Point | S1E13 "The Gnu, Now Almost Extinct" (Ang Gnu, Ngayo'y Halos Ubos Na) | Stella Manville | ||
1964 | The Defenders | S3E34 "Stowaway" (Takas) | Gng. Cooper | |
The Alfred Hitchcock Hour | S9E32 "Body in the Barn" (Katawan sa Kamalig) | Bessie Carnby | ||
1981 | The Love Boat | S4E13 "The Successor" (Ang Susunod) | Gng. Williams | |
1985 | American Playhouse | "Adventures of Huckleberry Finn" (Paglalakbay ni Huckleberry Finn) | Gng. Loftus |
Parangal
baguhinGawad Academy
baguhinTaon | Kategorya | Pelikula | Resulta |
---|---|---|---|
1946 | Pinakamahusay na Pansuportang Aktres | Duel in the Sun (Duelo sa Araw) | Nominado |
1971 | Honorary Award | Nanalo |
Talababa
baguhinSanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 1.7 "Lillian Gish". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "AFI's 100 YEARS…100 STARS" [100 TAON...100 BITUIN ng AFI]. American Film Institute (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ 3.0 3.1 Charles Affron (Marso 12, 2002). Lillian Gish: her legend, her life [Lillian Gish: kanyang alamat, kanyang buhay] (sa wikang Ingles). University of California Press. ISBN 978-0-520-23434-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Krebs, Albin (Marso 1, 1993). "Lillian Gish, 99, a Movie Star Since Movies Began, is Dead" [Patay Na si Lillian Gish, 99, isang Movie Star Simula Pa Noong Nagsimula ang Pelikula]. The New York Times (sa wikang Ingles). ISSN 0362-4331. Nakuha noong Abril 13, 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
baguhin- Lillian Gish sa Internet Broadway Database
- Lillian Gish sa IMDb
- Lillian Gish sa TCM Movie Database
- Lillian Gish sa Women Film Pioneers Project
- Mga papeles ni Lillian Gish, 1909–1992, hawak ng Billy Rose Theatre Division, New York Public Library for the Performing Arts
- Sina Lillian Gish, Helen Hayes, & Mary Martin Panayam ni Bill Boggs sa YouTube
- Mga pelikulang tahimik ni Lillian Gish (trailer) sa YouTube