Lindol sa Chile (2010)

(Idinirekta mula sa Lindol sa Tsile noong 2010)

Ang Lindol sa Tsile noong 2010 ay isang malakas na lindol na naganap noong 27 Pebrero 2010[2][3]. Una itong naiulat sa 8.3 o 8.5 Mw subalit hindi naglao'y itinaas sa 8.8.[4]. Naramdaman ang lindol sa ibang lungsod ng Arhentina maging sa kabisera ng bansa na Santiago.[5]

Lindol sa Tsile noong 2010
Petsa 27 February 2010 06:34:17 UTC (2010-02-27UTC06:34:17)
Kalakhan 8.8 Mw
Lalim 59 kilometro (37 mi)
Sentro nang lindol 35°50′46″S 72°43′08″W / 35.846°S 72.719°W / -35.846; -72.719
Mga bansa/
rehiyong apektado
Sentro ng Tsile
Tsunami warning for Chile and Peru
Nasawi 6 (probisyonal)[1]

Ang sentro nito ay sa may baybayin nang Maule, tinatayang 60 mi (97 kilometro) hilaga-hilagang kanluran ng Chillán, Tsile at 115 kilometro hilaga-hilagang silangan ng pangalawang pinakamalaking lungsod ng Tsile, ang Concepcion[6]. Naganap ang lindol mga 3:34 nang umaga sa lokal na oras, at naiulat na tumagal ng 10-30 segundo[7].

Ayon sa isang cameraman ng Associated Press Television News, gumuho ang ilang gusali sa Santiago, Tsile at nagkaroon ng kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod[8] Nagdulot ang lindol ng pagkawala ng kuryente sa halos buong Tsile kasama na ang kabisera nitong Santiago.[9]

Iniulat ni Pangulong Michelle Bachelet na hanggang sa ngayon anim na ang kumpirmadong patay[1]. Ayon naman sa pagtataya ng Pambansang Tanggapan ng Kagipitan ng Tsile Oficina Nacional de Emergencia ang kalakasan nang lindol ay nasa IX sa Eskalang sismolohikong Richter sa Rehiyon ng Biobío at VIII sa Santiago.[1][10].

Itinaas ang babala sa posibleng tsunami sa Tsile at Peru matapos ang pagyanig, na kalauna't pinalawig hanggang Ekuador, Kolombia, Antarktiko, Panama at Kosta Rika[1]. Nagkaroon ng tsunami sa Valaparaiso sa taas na 1.29 metro[1][11]. Nagkaroon ng aftershock na 6.2 mga 20 minuto matapos ang unang paglindol.[1][12] Dalawa pang mga aftershock na may kalakhang 5.4 at 5.6 ang sumunod.[12]

Tingnan pa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Massive earthquake strikes Chile". BBC News. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Reuters earthquake report". Reuters. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Japan Meteorological Agency report". Japan Meteorological Agency. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "USGS Earthquake Details". USGS. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Marso 2010. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Tsunami After Major Earthquake Hits Chile". Sky News. 27 Pebrero 2010. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Magnitude 8.8 - Offshore Maule, Chile". United States Geological Survey. Pebrero 27, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2013. Nakuha noong Pebrero 27, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Patrick Sawer (27 Pebrero 2010). "Huge earthquake hits Chile". The Daily Telegraph. Nakuha noong 27 Pebrero 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Eva Vergara, Associated Press, "8.8-magnitude earthquake hits central Chile". Hinango noong 27 Pebrero 2010.
  9. http://www.reuters.com/article/hotStocksNews/idUSLDE61Q02O20100227
  10. "Bachellet confirmó que hay cinco muertos por el sismo en Chile", mdz online Naka-arkibo 2012-06-20 sa Wayback Machine. Hinango 27 Pebrero 2010. (sa Kastila)
  11. "TSUNAMI BULLETIN NUMBER 003-NOAA Pacific Tsunami Warning Center". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-03-02. Nakuha noong 2010-02-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Latest Earthquakes M5.0+ in the World[patay na link], by USGS.