Lingerie
Ang Lingerie, binibigkas na /layn-diye-rey/, ay makamoda o nasa uso at maaaring nakabibighaning kasuotang panloob ng babae. Karaniwang yari ang lingerie sa isa o mahigit bang nababanat at naibabalik sa dating anyo na mga materyales na katulad ng Lycra, nylon (nylon tricot), polyester, satin, burdadong tela, sutla at telang manipis, pino at nababanaagan (sheer fabric), na karaniwang hindi ginagamit sa mas praktikal at mas akma sa pangangailangang mga kasuotang panloob na gawa mula sa payak na bulak.
Sa wikang Pranses, ang katagang lingerie ay ginagamit para sa lahat ng mga kasuotang panloob na para sa lalaki at sa babae. Sa wikang Ingles, ginagamit lamang ang salitang lingerie upang tukuyin ang mga kasuotang panloob na dinisenyo upang maging kaaya-aya sa paningin o erotiko.
Etimolohiya
baguhinAng salitang lingerie ay hinango mula sa salitang Pranses na linge, "mga nalalabhan"—katulad ng sa faire le linge, "maglaba [ng damit]"—at talagang mula sa lin para sa nalalabhang linen, ang tela kung saan yari ang mga kasuotang panloob sa Europa bago pa man ang pagpapakilala ng bulak mula sa Ehipto at pagkaraan ay mula sa Indiya.