Si Linus Carl Pauling (28 Pebrero 1901 – 19 Agosto 1994) ay isang Amerikanong chemist, biochemist, aktibista para sa kapayapaan, manunulat, at tagapagturo. Siya ay naglathala ng mahigit 1200 artikulo at aklat, kung saan humigit- kumulang 850 sa mga ito ay may kinalaman sa mga paksang siyentipiko.  Tinagurian umano siya ng New Scientist bilang isa sa 20 dakilang siyentista ng panahon, at noong 2000, siya ay kinilala bilang ika-16 na pinakamahalagang siyentista sa kasaysayan. Si Pauling ay isa mga tagapagtatag ng larangan ng quantum chemistry at molecular biology

Linus Pauling
Kapanganakan28 Pebrero 1901[1]
  • (Multnomah County, Oregon, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan18 Agosto 1994[1]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika[3]
NagtaposCalifornia Institute of Technology
Pamantasang Estatal ng Oregon
Trabahokimiko,[4] pisiko,[5] Esperantista,[1] propesor ng unibersidad,[1] biyokimiko,[6] kristalograpo, biyopisiko
Opisinapropesor (1969–1974)
Pirma

Dahil sa kanyang ambag sa agham, si Pauling ay pinagkalooban ng Nobel Prize sa Kimika noong 1954. Sa taong 1962, dahil naman sa kanyang pangkapayapaan na aktibismo, siya ay napagkalooban ng Nobel Peace Prize. Ito ang nagbigay daan sa kanya bilang ang kaisa-isang taong tumanggap ng dalawang Nobel Prize nang walang kahati. Isa siya sa apat lamang na indibidwal na nagtamo ng mahigit sa isang Nobel Prize (ang iba ay sina Marie Curie, John Bardeen, at Frederick Sanger). Isa rin siya sa dalawang tao lamang na nakatanggap ng nasabing gantimpala sa iba’t-ibang larangan; ang isa ay si Marie Curie. Pinag-aralan din ni Pauling ang istruktura ng DNA, isang problema na nalutas nina James Watson at Francis Crick.

Sa mga sumunod na taon, itinaguyod niya ang orthomolecular medicine, megavitamin therapy, dietary supplements, at ang pag-inom ng maraming dosis ng bitamina C, ngunit wala sa mga ito ang natanggap sa mainstream scientific community.

Si Linus Pauling.

(This is a translation only of the first three paragraphs of the original article "Linus Pauling" written in English.)

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 https://www.biography.com/people/linus-pauling-9435195; petsa ng paglalathala: 2 Abril 2014; hinango: 2 Setyembre 2018.
  2. "Linus Pauling, Obituary". 22 Agosto 1994. Nakuha noong 27 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Twists in the Tale of the Great DNA Discovery". 13 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. http://www.nndb.com/org/456/000041333/.
  5. http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/pech.12001/full.
  6. "In Pictures: The story behind DNA's double helix". BBC. 24 Abril 2013. Nakuha noong 27 Disyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.