Lionel Messi
Kailangang isapanahon ang artikulong ito.(Pebrero 2021) |
Si Lionel Andrés "Leo" Messi (ipinanganak noong 24 Hunyo 1987), ay isang Arhentino na propesyunal na manlalaro ng futbol na naglalaro bilang forward para sa Inter Miami, at siya ring kapitan ng pambansang koponan ng Arhentina.
Messi na naglalaro para sa pambansang koponan ng Arhentina noong katapusan ng 2018 FIFA World Cup. | |||
Personal na Kabatiran | |||
---|---|---|---|
Buong Pangalan | Lionel Andrés Messi [1] | ||
Taas | 1.69 m (5 ft 7 in)[2] | ||
Puwesto sa Laro | Forward | ||
Kabatiran ng Club | |||
Kasalukuyang Koponan | Inter Miami | ||
Numero | 10 | ||
Karerang pang-Youth | |||
1995–2000 | Newell's Old Boys | ||
2000–2003 | Barcelona | ||
Karerang Pang-senior* | |||
Mga Taon | Team | Apps† | (Gls)† |
2003–2004 | Barcelona C | 10 | (5) |
2004–2005 | Barcelona B | 22 | (6) |
2004–2021 | Barcelona | 520 | (474) |
2021–2023 | Paris Saint-Germain | 1 | (0) |
2023- | Inter Miami | 0 | (9) |
Pambansang Koponan‡ | |||
2004–2005 | Argentina U20 | 18 | (14) |
2007–2008 | Argentina U23 | 5 | (2) |
2005– | Argentina | 129 | (65) |
* Ang mga appearances at gol sa Senior club ay binilang para sa pang-domestikong liga lamang at tama noon pang 24 Abril 2019. † Mga Appearances (gol) |
Sa edad na 21, nakatanggap na si Messi ng mga nominasyon sa Ballon d'Or at bilang Pandaigdigang Manlalaro ng Taon ng FIFA (FIFA World Player of the Year). Nang sumunod na taon, noong 2009, napagwagian niya ang kanyang unang mga gantimpala para sa Ballon d'Or at Pandaigdigang Manlalaro ng Taon ng FIFA. Nasundan ito nang nang mapanalunan niya ang unang FIFA Ballon d'Or noong 2010, at muli noong 2011 at 2012. Nagwagi rin siya ng gantimpala bilang Pinakamahusay na Manlalaro sa Europa ng UEFA ng taong 2010-11. Sa edad na 24, si Messi ang nangunang taga-iskor sa lahat ng panahon (all-time top scorer) ng Barcelona sa lahat ng opisyal na kompetisyon ng koponan. Noong Setyembre 2014, naiskor niya ang kanyang ika-400 na goal ng kanyang karerang propesyunal para sa koponan at sa bansa sa edad lamang na 27. Noong Nobyembre 2014, si Messi ang nangunang taga-iskor sa lahat ng panahon sa La Liga, at nangunang taga-iskor ng goal sa lahat ng panahon sa UEFA Champions League.
Madalas na iniluluklok bilang pinakamahusay na manlalaro sa buong mundo at itinatala ng ilan sa mundo ng palakasan bilang pinakamahusay sa lahat ng panahon, kadikit lamang ang karibal nitong si Cristiano Ronaldo, si Messi ang unang manlalaro sa kasaysayan na nagwagi ng apat na FIFA Ballon d'Or, kung saan lahat ito'y sunud-sunod niyang napanalunan, at unang nagwagi ng tatlong gantimpala ng Ginintuang Sapatos (European Golden Shoe). Sa Barcelona, nagwagi na si Messi ng anim na La Liga, dalawang Copa del Rey, anim na Supercopa de España, tatlong UEFA Champions Leagues, dalawang UEFA Super Cup, at dalawang FIFA Club World Cup.
Bilang isang free agent, Si Leo Messi ay lumipat sa Inter Miami, isang club sa Major League Soccer matapos ang dalawang taon sa PSG. Bago ang kaniyang paglipat sa Inter Miami, siya ay mayroong 32 na gol sa loob ng 75 na laro kasama ang PSG. Ang club na co-owned ni David Beckham ay naghanda ng kontrata para sa Arhentinong manlalaro hanggang 2025. [3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "2014 FIFA World Cup Brazil: List of Players" (PDF). FIFA. 11 Hun 2014. p. 2. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Enero 2017. Nakuha noong 15 Hul 2014.
- ↑ "10 Messi". uefa.com. UEFA. Nakuha noong 27 Ene 2015.
- ↑ www.eurosport.com https://www.eurosport.com/geoblocking.shtml. Nakuha noong 2024-04-11.
{{cite web}}
: Missing or empty|title=
(tulong)