Lisala
Ang Lisala ay kabisera ng lalawigan ng Mongala sa hilaga-kanlurang Demokratikong Republika ng Congo. Dumadaloy sa lungsod ang Ilog Congo. Ang lugar ay dinadaan ng daang N6 road ng Route Nationale, at hinahangganan ng Ilog Mangala sa hilaga at Ilog Congo sa timog.
Lisala | |
---|---|
Mga kargador na nagdadala ng kahoy sa Lisala noong taong 1901 | |
Mga koordinado: 2°8′55″N 21°30′49″E / 2.14861°N 21.51361°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Mongala |
Populasyon (2008) | |
• Kabuuan | 77,548 |
• Mga wika | Lomongo, Lingala, Pranses |
Sona ng oras | UTC+1 (Oras ng Kanlurang Aprika) |
Klima | Am |
Binubuo ang populasyon ng iba't-ibang mga tribong pangkat, pinakakilala ang Ngombe na may mga minorya ng mga Mongo, Ngandi, Ngwaka at Budja.
Ang Cathédrale Saint-Hermès ng lungsod ay ang sentrong simbahan at luklukan ng Katolikong Romanong Diyosesis ng Lisala. Lugar ng kapanganakan ang Lisala ni dating pangulong Mobutu Sese Seko, na namuno sa Congo mula 1965 hanggang 1997.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Demokratikong Republika ng Congo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.