Si Lise-Marie Dejean ay isang tagapagtanggol ng karapatan ng mga kababaihan sa Haiti, siya rin ang unang ministro ng mga kababaihan nang nabuo ang pambansang ministeryo ng mga kababaihan sa Haiti.[1]

Talambuhay

baguhin

Si Lise-Marie Dejean ay ipinanganak sa loob ng dekada 1940. Nag-aral siya upang maging isang manggagamot, at ginamit ang kanyang mga kasanayang pang-medikal upang matulungan ang mga kababaihan na mahihirap sa malayong rehiyon ng Haiti . Lalo niyang napansin ang mataas na bilang ng pagkamatay ng mga ina, na kung saan ay naintindihan niya ang laki ng diskriminasyon sa kasarian at kawalan ng mga karapatang pangreproduktibo sa bansa..[2] Naging pinuno siya ng Solidarite Fanm Aysiyèn (SOFA), isang pangunahing samahan ng kababaihan sa Haiti.[3] Sa tungkuling ito, siya ay nakatulong sa pagbubukas nang mga pambabaeng klinika sa mga urbanisadong lugar sa bansa.[4]

Nagtrabaho din si Dejean para sa paglikha ng isang pambansang ministro ng kababaihan,[5] na nilikha pagkatapos ng International Conference on Population and Development sa Cairo noong 1994 . Siya ang naging unang ministro sa loob ng pambansang ministeryo ng mga kababaihan.[4][6] Matapos ang kanyang tungkulin bilang ministro, tinuligsa niya ang mga nakikita niyang mga kakulangan ng pondo at kagustuhang pampulitika para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.[7]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Staggering numbers of women unable to exercise decision-making over their own bodies, new UNFPA report shows". www.unfpa.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2021-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "SS3_Lise-Marie Dejean". Nairobi Summit (sa wikang Ingles). 2019-10-16. Nakuha noong 2021-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hirao, Denise (2010-02-02). "The International Feminist Solidarity Camp Addresses Women's Rights In Haiti". International Women's Health Coalition (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-08-14. Nakuha noong 2021-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Luchsinger, Gretchen; Jensen, Janet; Jensen, Lois; Ottolini, Cristina (2019). Icons & Activists. 50 years of people making change (PDF). New York: UNFPA. p. 71. ISBN 978-0-89714-044-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "For Women in Haiti, a Fresh Start". Christian Science Monitor. 1995-04-19. ISSN 0882-7729. Nakuha noong 2021-04-05.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Dr Lise Marie Déjean, 25 années de lutte continue pour le droit des filles et des femmes". Le Nouvelliste. Nakuha noong 2021-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Haïti-Genre : La dirigeante féministe et ancienne ministre Lise-Marie Dejean appelle à renforcer les acquis du mouvement des femmes". www.alterpresse.org. Nakuha noong 2021-04-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)