Listahan ng mga Segmento ng Tensai Terebi-kun
Narito ang listahan ng mga naging segmento ng pambatang palabas na Tensai Terebi-kun ng NHK sa Hapon. Hindi pa kumpleto ang listahan na ito kaya't maaring punan ng impormasyong wala pa dito ang pahinang ito.
Mga segmento
baguhin2004
1. Drama - Ito ang dula ng Televia mula Lunes-Miyerkules.
2. Tentere Gamezone - Dito ginaganap ang mga palaro. Nasa isla ng Meganesia sa Televia ang tagpuan.
3. Special Report - Dito itinatanghal ang mga ginawang pag-uulat ng mga senshi.
4. Club Zuritz Preview - Ito ang preview ng mga magaganap sa Thursday Live.
5. Kami-Foot Touchdown - Ang larong ito ay ibinase sa Amerikanong Football. Ang kaibahan nga lang, ay eroplanong papel at lambat ang gamit dito sa halip na bola. Sa taong ito, wala pang mga koponan. Random ang pagpili sa mga manlalaro mula at hinahati pa din sa RG at UWF.
6. Music Terebi Kun o MTK - Dito itinatanghal ang mga music video ng mga senshi. Mula 1998 hanggang 2004, ang MTK ay isinisingit sa kalagitnaan ng programa at tumatagal ng 2 hanggang 3 minuto. Bawat kanta ay pinapalitan kada 2 linggo. Noong 2005 ay naging panghuling segment na nila ito. Tuwing 3 buwan na lamang pinapalitan ang mga kanta. Ito ngayon ang nagmimistulang ending theme.
7. Katte Gikai - Parang isang hukuman ang tagpuan nito. Dito nililitis at isinasangguni ang mga simpleng kasong ipinapadala ng mga manonood. May dalawang grupo ng mga panelista; ang mga pabor at 'di pabor. Matapos na unawain ang kaso ay iisip ngayon ng panukalang batas ang mga panelista at ito ay kanilang pagtatalunan.
2005
1. Tentere Gamezone - Dito ginaganap ang mga palaro. Sa iba't ibang lugar sa Yugeder ang tagpuan.
2. Tentere Drama - Maiikling mga dula na kasya lamang sa loob ng 3 araw. Bawat dula ay ibang senshi ang bida. Ang mga istorya ay kadalasang umiikot sa mga misteryosong pangyayari.
3. Yugeder Monogatari - Ito ang dula ng kasaysayan ng unang Yugeder.
4. Kami-Foot Touchdown - Ang larong ito ay ibinase sa Amerikanong Football. Ang kaibahan nga lang, ay eroplanong papel at lambat ang gamit dito sa halip na bola.
5. Tentere Mission - Dito itinatanghal ang mga ulat na ginawa ng mga senshi.
6. Music Terebi Kun o MTK - Dito itinatanghal ang mga music video ng mga senshi. Mula 1998 hanggang 2004, ang MTK ay isinisingit sa kalagitnaan ng programa at tumatagal ng 2 hanggang 3 minuto. Bawat kanta ay pinapalitan kada 2 linggo. Noong 2005 ay naging panghuling segment na nila ito. Tuwing 3 buwan na lamang pinapalitan ang mga kanta. Ito ngayon ang nagmimistulang ending theme.
7. Katte Gikai - Parang isang hukuman ang tagpuan nito. Dito nililitis at isinasangguni ang mga simpleng kasong ipinapadala ng mga manonood. May dalawang grupo ng mga panelista; ang mga pabor at 'di pabor. Matapos na unawain ang kaso ay iisip ngayon ng panukalang batas ang mga panelista at ito ay kanilang pagtatalunan.
8. Yugedeland Preview - Ito ang preview ng mga magaganap sa Thursday Live.
2006
1. Gamebattle in Yugeder - Ito ang tawag sa kalipunan ng mga laro sa TTK. Ito ay ginagawa lamang sa studio at bawat araw ay ibang laro ang kanilang ipinapakita. Kadalasan ay 3 o 4 ang senshis na maglalaro bawat grupo, kasama na ang kanilang bawat host.
Lunes ~ "Four Rensou" - May ipapahulang bagay at bibigyan ang mga huhula (isang host na TIM at isang kagrupong senshi) ng apat na clue (postura, kanji, tunog at drowing) sa pamamagitan ng apat na kyubikel na may lamang tig-iisang senshi at itataas lang ang kurtina ng 10 segundo.
Martes ~ "16 Square Fill-Ups" - May isang panel na may 16 na parisukat. Pipili ang senshi ng isa doon at gagawin ang kalakip na hamon. Kapag nagawa ang hamon ay maangkin ng grupong iyon ang parisukat na iyon ngunit kapag nagalaw ng kabilang grupo ang mga kalapit na parisukat ay mapapasakamay din ito ng iba.
Miyerkules ~ "Sinong May Hawak Nito?" - Nakasuot ng kapa ang grupong magpapahula kung sino sa kanila ang may dala ng nasabing bagay.
2. Kami-Foot Touchdown - Ang larong ito ay ibinase sa Amerikanong Football. Ang kaibahan nga lang, ay eroplanong papel at lambat ang gamit dito sa halip na bola.
Silipin din: Listahan ng mga koponan sa Kami-Foot Touchdown
3. Tentere Mission - Dito itinatanghal ang mga ulat na ginawa ng mga senshi.
4. Tentere Reality Specials - Dito itinatanghal ang mga pambihirang reality special ng mga senshi.
5. Half-Minute Show - Isa itong patayong komedya na tumatagal lamang ng kalahating minuto. Depende sa sitwasyon, isa o tatlo ang senshi na nagtatanghal.
6. Tentere Jyuuku - Paaralan ang tagpuan nito at si Red ang guro. Si Golgo at lima pang ibang senshis naman ang mga kaklase niya. May mga aktibidad na ipinapagawa si Titser Red ayon sa tema.
7. Tentere Drama - Maiikling mga dula na kasya lamang sa loob ng 3 araw. Bawat dula ay ibang senshi ang bida. Ang mga istorya ay kadalasang umiikot sa mga misteryosong pangyayari.
8. Happy Mokuyo Preview - Dito ipinapatikim ang mga dapat abangan sa live na pagtatanghal ng Happy Mokuyo tuwing Huwebes. Isinasama na din dito ang mga anunsiyo.
9. Music Terebi Kun o MTK - Dito itinatanghal ang mga music video ng mga senshi. Mula 1998 hanggang 2004, ang MTK ay isinisingit sa kalagitnaan ng programa at tumatagal ng 2 hanggang 3 minuto. Bawat kanta ay pinapalitan kada 2 linggo. Noong 2005 ay naging panghuling segment na nila ito. Tuwing 3 buwan na lamang pinapalitan ang mga kanta. Ito ngayon ang nagmimistulang ending theme.
Silipin din: Listahan ng mga MTK
10. Afterschool Colliseum - Maaaring sumali ang mga kabataan sa tampok na laro dito, kasama ang isang senshi.
11. Shin Yugederu Monogatari - Bagong kuwento ng Yugeder. Ito ang kasaysayan ng Yugeder, ang lumilipad na lungsod na tahanan ng mga Jokey Mahorns at Steam Knights. Silipin din: Listahan ng mga yugto sa Shin Yugederu Monogatari
12. Katte Gikai - Parang isang hukuman ang tagpuan nito. Dito nililitis at isinasangguni ang mga simpleng kasong ipinapadala ng mga manonood. May dalawang grupo ng mga panelista; ang mga pabor at 'di pabor. Matapos na unawain ang kaso ay iisip ngayon ng panukalang batas ang mga panelista at ito ay kanilang pagtatalunan.
13. Yattara Mettara - Dito nagsasagawa ng mga pag-aanalisa ang mga panelistang senshi kasama si Golgo. Inaanalisa nila ang mga paksang kanilang sinasaliksik sa pamamagitan ng mga sarbey sa websayt ng TTK at sa mga tala ng gobyerno. Ang mga paksang ito ay tumatalakay tungkol sa mga suliraning kinakaharap ng mga kabataang Hapones sa panahong ito. Tinitingnan at inuunawa ng mga panelista ang bawat paksa hanggang sa sila ay makaisip ng mga solusyon.
Mga kailangang taon
baguhin- 1993
- 1994
- 1995
- 1996
- 1997
- 1998
- 1999
- 2000
- 2001
- 2002
- 2003