Litograpiya
Ang litograpiya ay isang uri ng paraan ng pagiimprenta na may malaking ambag sa larangan ng sining lalo na sa sining pangkomersyal. Maraming mga artistang nakagawa ng mga obrang gawa sa litograp na nakahanay sa mga pinakamagagaling. Pagdating sa pangkomersyal, ang litograpiya ay ang pinakanangungunang paraan sa pagpaparami ng mga libro, magasin, diyaryo, at iba pang publikasyon.
Paggawa ng litograpiya
baguhinAng litograpiya ay bumabase sa prinsipyong "ang tubig ay hindi humahalo sa langis". Iguguhit ng isang artista ang litratong nais niya sa isang materyal na puno ng napakaliliit na butas sa pamamagitan ng lapis na may langis sa dulo, isang krayon o isang malabnaw na langis na kung tawagin ay tuche. Ang mga pinakamadalas sa gamitin para na materyal na guguhitan ay ang mga bato na tinatawag na apog o limestone o sa isang malaking platong gawa sa aluminyo, papel at sink na espesyal na ginawa para sa paggawa ng litograpiya. Ang mga maliliit na butil ng bato o plato ay nakakatulong mga sa artistang gagawa ng mga litograp na may malawak na pagpipilian ng tekstyur at diin ng kulay.
Matapos iguhit ang litrato, ang artistang gumagawa ay parehong lalagyan ang naguhitan at di naguhitan ng asidong nitrik at gam arabik. Ang gam arabik ay ilalagay sa paligid ng litratong gawa sa langis upang panatilihing hiwalay ang tinta na kumalat sa parteng hindi naguhitan. Ang asido naman ay ginagwang ipagsama ang langis at ang gam arabik upang madaling mahigop ng mga butas ng apog o ng plato. Matapos ilagay ang mga kasangkapan, ang artistang gumagawa naman ngayon ay gagamit ng turpentayn para matunaw at matanggal ang mga natitirang materyal sa ginamit sa paguhit sa ibabaw ng apog o ng plato. Ang artista naman ngayon ay dadampian ang ibabaw ng tubig. Ang mga hindi naguhitan naman ay hihigupin ang tubig at ang mga may langis naman ay hindi. Ang artista ngayon ay maglalagay ng oil-based na tinta sa isang roller. Ang tinta ay didikit sa malangis na parte ngunit hindi sa mga basa ng tubig. Susunod, ang artista naman ay isasalang ang papel sa pangimprenta sa ilalim ng matiding presyon. Dito maililipat na ang disenyong may tinta sa papel. Para madagdagan ang detalye ng litrato, dadagdagan muli ng tinta ng artista ang apog o plato.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.