Livio

(Idinirekta mula sa Livy)

Si Tito Livio o Titus Livius Patavinus (59 BCE – 17 CE) — na nakikilala rin bilang Livy o Livio — isang Romanong manunulat ng kasaysayan na sumulat ng isang mahalagang kasaysayan ng Roma at ng mga taong Romano, na pinamagatang Ab Urbe Condita Libri, "Mga Aklat mula sa Pagkakatatag ng Lungsod," na sumasaklaw sa kapanahunan magmua sa pinakamaagang mga alamat ng Roma bago pa man ang pangtradisyong pagtatag noong 753 BCE magpahanggang sa pamumuno ni Augustus noong sariling kapanahunan ni Livy. Naging malapit ang kalooban sa kaniya ng mag-anak na Julio-Claudiano, katulad ng pagbibigay niya ng payo sa apo sa pamangkin ni Augustus at magiging emperador sa hinaharap na si Claudius noong bata pa itong lalaki, bago sumapit ang 14 CE sa loob ng isang liham na patungkol sa paggawa ng pagsusulat ng kasaysayan.[1] Si at ang asawa ni Augustus na si Livia ay nagmula sa magkaparehong gens o angkan, bagaman hindi sila magkamag-anak sa dugo.

Livy
Kapanganakan59 BCE (Huliyano)
  • (Lalawigan ng Padua, Veneto, Italya)
Kamatayan17 (Huliyano)
MamamayanSinaunang Roma
Trabahohistoryador, manunulat, makatà

Mga sanggunian

baguhin
  1. Foster 1874, p. xii, citing Suetonius, Claudius, xli.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Roma ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.