Ang Lobong Capitolino (Italyano: Lupa Capitolina) ay isang eskulturang tanso na naglalarawan ng isang eksena mula sa alamat ng pagkakatatag ng Roma. Ipinapakita ng eskultura ang isang babaeng lobo na nagpapasuso sa mitong kambal na nagtatag ng Roma, sinaRomulo at Remo. Ayon sa alamat, nang si Haring Numitor, lolo ng kambal, ay pinatalsik ng kaniyang kapatid na si Amulius sa Alba Longa, inutusan ng mang-agaw na itapon ang kambal sa Ilog Tiber. Iniligtas sila ng isang babaeng lobo na nagmamalasakit sa kanila hanggang sa matagpuan ng isang pastol na si Faustulus at palakihin sila.

Lobong Capitolino
TaonIka-11/12 siglo (lobo)
huling ika-15 siglo (mga kambal)
TipoTanso
Sukat75 cm × 114 cm (30 pul × 45 pul)
KinaroroonanMusei Capitolini, Roma, Italya

Kontrobersiyal ang edad at pinagmulan ng Lobong Capitolino. Ang estatwa ay matagal nang inisip na isang likhang Etrusko ng ikalimang siglo BK,[1] idinagdag ang kambal noong huling bahagi ng ika-15 siglo AD, marahil ng eskulturang si Antonio Pollaiolo.[2] Gayumpaman, ang paglalatag ng petsa sa pamamagitan ng radiocarbon at thermoluminescence ang nagsasabing ang rebulto ay malamang na hinulma sa pagitan ng 1021 at 1153.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. (Lacus Curtius website) Rodolfo Lanciani, Ancient Rome in the Light of Recent Discoveries ch. X; Musei Capitolini website Naka-arkibo 19 March 2007 sa Wayback Machine.; Capitoline Museums:Exhibition "The Capitoline She-Wolf", June-October 2000 Naka-arkibo 16 May 2006 sa Wayback Machine.; Lupa Capitolina Elettronica A site devoted to the Capitoline Wolf (in progress)
  2. "Sculpture" . The Oxford Encyclopedia of Classical Art and Architecture. Ed. John B. Hattendorf. Oxford University Press, 2007.
  3. Lorenzi, Rossella (25 Hunyo 2012). "Rome Icon Actually Younger Than the City". DNews. Discovery Communications. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2013. Nakuha noong 10 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

baguhin
  • Carcopino, J. (1925). La louve du capitole (in French). Paris: Les Belles Lettres. OL 16519753M. (This paper initiated modern research into the sculpture's history.)
baguhin