London Bridge Is Falling Down
Ang "London Bridge Is Falling Down" (kilala rin bilang "My Fair Lady" o "London Bridge") ay isang tradisyonal na pambatang tula at larong awit sa Ingles na mayroong iba't ibang bersyon sa buong mundo. Sinasalaysay ng tula ang panloloob ng Tulay ng London at mga pagtatangka, makatotohanan man o hindi, na kumpunihin ito. Maarig nagmula ang tulang ito noong huling bahagi ng Gitnang Panahon, ngunit ang pinakaunang tala ng tula sa Ingles ay mula noong ika-17 siglo. Nailimbag ang mga titik nito na malapit sa makabagong anyo nito noong kalagitnaan ng ika-18 siglo at naging sikat, partikular sa Britanya at Estados Unidos noong ika-19 na siglo.