Salamin (tanawan)

(Idinirekta mula sa Looking-glass)

Ang isang salamin, salaming tinginan, salaming tanawan, o tagapaglarawan (Ingles: mirror, looking-glass) ay isang bagay na nagpapaaninag ng liwanag. Ang isang karaniwang "tapyas ng salamin" ay ang isang piraso ng natatanging sapad na salamin na maaaring tanawin ng isang tao upang makita ang kaniyang sariling anyo o kung ano ang nasa likod ng taong ito. Sa kung minsan, ang isang sapat na piraso ng metal o ang ibabaw ng tubig ay maaaring gumanap bilang parang salamin.

Isang salaming nakakuwadro na nagpapakita ng isang banga.

Ang dahilan kung bakit nakikita ng isang tao ang kaniyang sarili sa salamin ay dahil sa pumapasok sa salamin ang liwanag at naipapaaninag o "tumatalon pabalik" ang liwanag. Ang mga salamin na mayroong ibabaw na pabalantok o mayroong kurba ay maaaring makagawa na ang bagay ay tila mas malaki o mas maliit ang anyo, katulad ng nagagawa ng isang lente.

Teknolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.