Lawrensiyo

(Idinirekta mula sa Lorensiyo)

Ang Lawrensiyo ay isang kemikal na elemento na may sagisag na Lr (dating Lw) at atomikong numerong 103. Ito ay ipinangalan alinsunod kay Ernest Lawrence, imbentor ng cyclotron, isang bagay na nakakapagdiskubre ng mga artipisyal na mga elementong radioactive.

Electron shell ng lawrensyo

Ang isang electrically-charged na lawrensyo na may isotope-257 ay gumagawa ng mga discharge na mga partikulong alpha (alpha particles) kung saan ang mga ito ay may kalahating-buhay, mga walong segundo. Sila ay ikinukolekta sa isang manipis na copper plate sa harapan ng mga detektor.[1]

Ang elementong ito ay bihirang isagawa muli at ang pagkakalikha nito ay nakabase lang sa mga ebidensya na inihayag ng mga mananaliksik.[1]

Pagkakadiskubre

baguhin
 
Si Albert Ghiorso na isinusulat ang simbolong "Lw" sa talaang pedryodiko bilang bagong dagdag sa mga elemento noong Abril 1961. Ang mga kasama sa pagkakadiskubre ay sina Latimer, Sikkeland, at Larsh (kaliwa hanggang kanan) na tumitingin.

Ang lawrensyo ay nadiskubre nina Albert Ghiorso kasama ang kanyang mga katrabaho noong 1961. Nangyari ito sa pamamagitan ng pagbomba ng tatlong milyong gramo ng kaliforniyo kasama ang mga boron nuclei sa isang linear accelerator.[1]

Noong 1965, ang Joint Institute for Nuclear Research (JINR) ng Unyong Sobyet ay matagumpay ding nadiskubre ang elemento sa pamamagitan naman ng pagbomba ng amerisyo at oksiheno. Nakuha nila ang isotope-256. Tiningnan din nila ang gawa nina Albert Ghiorso at sinabi na hindi tama ang kanilang datos pero sumagot ang Lawrence Berkeley Laboratory (lugar kung saan nagtratrabaho si Ghiorso) at sinabi na baka nakuha nila ang isotope-258. Sa huli, pinangaralan ng International Unions of Pure and Applied Chemistry ang LBL sa pagkakadiskubre ng elemento.[2]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Encyclopaedia Apollo VII (1971), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.
  2. "Lawrencium - Element information, properties and uses | Periodic Table". www.rsc.org. Nakuha noong 2023-01-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.