Si Louis-Victor-Pierre-Raymond, ika-7 Duke ng Broglie, FRS (IPA: /dəˈbrɔɪ/; Pranses: [də bʁœj]  (Speaker Icon.svg pakinggan); Dieppe, Pransiya, 15 Agosto 1892 – Louveciennes, Pransiya, 19 Marso 1987) ay isang Pranses na pisiko at matematiko, na naging laureado ng Gantimpalang Nobel noong 1929. Siya ang nakatuklas na ang mga elektron ay mayroong dalawang "kalikasan" o mga katangian na kahalintulad ng kapwa mga partikulo at mga alon. Siya ang ika-labing-anim na miyembrong nahalal na humawak ng "upuan bilang 1" (pangunahing upuan) ng Akademyang Pranses noong 1944 at nagsilbing pangmatagalang kalihim ng Pranses na Akademya ng mga Agham.

Louis de Broglie
Kapanganakan15 Agosto 1892(1892-08-15)
Dieppe, Pransiya
Kamatayan19 Marso 1987 (edad 94)
Louveciennes, Pransiya
KabansaanPranses
LaranganPisika
InstitusyonSorbonne
Pamantasan ng Paris
Alma materSorbonne
Tagapayo sa pagkaduktorPaul Langevin
Mga estudyante sa pagkaduktorJean-Pierre Vigier
Alexandru Proca
Kinikilala dahil saKatangiang alon ng mga elektron
alonghaba na de Broglie
Natatanging mga gantimpalaGantimpalang Nobel sa Pisika (1929)