Louise Erdrich
Si Karen Louise Erdrich, kilala rin bilang Louise Erdrich, (ipinanganak noong 7 Hunyo 1954) ay isang katutubong Amerikana ng Estados Unidos na naging manunulat at may-akda ng mga nobela, panulaan, at panitikang pambata. Isa siyang nakatalang kasapi ng nasyong Anishinaabe (kilala rin bilang Ojibwa, Ojibwe, at Chippewa) at mayroon ding ninunong Aleman, Pranses, at Amerikano.[1] Kinikilala siya bilang isa sa pinakamahalagang katutubong mga manunulat ng pangalawang alon o daloy ng tinatawag ng manunuring si Kenneth Lincoln bilang Pagkamulat ng Katutubong Amerikano (Native American Renaissance). Noong Abril 2009, naging isang pinalista ang kanyang nobelang The Plague of Doves o "Ang Salot ng mga Kalapati" para sa Gantimpalang Pulitzer sa Kathang-Isip o Piksiyon.
Louise Erdrich | |
---|---|
Kapanganakan | 7 Hunyo 1954
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Pamantasang Johns Hopkins Dartmouth College |
Trabaho | makatà, manunulat, nobelista, children's writer, manunulat ng maikling kuwento |
Asawa | Michael Dorris (1981–1996) |
Naging may gampanin ang katatawanan o humor sa mga kuwentong isinulat ni Erdrich, maging sa kanyang sariling buhay. Pinag-aralan niya ang wikang Ojibwemowin, ang lengguwahe ng mga kakapwa-tao ng kanyang ina, upang maunawaan ang mga biro sa kalinangang Ojibwa. Naniniwala siyang nakapagpapanatili ng katinuan ng isip ang katatawanan. Masisilayan din ang katatawanan maging sa pinakamadirilim na mga pagkakataon sa mga piksiyon ni Erdrich.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 The Christophers (2004). "Louise Erdrich, A Touch of Humor". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina ng "Oktubre 20".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.