Luha

Likido na naglilinis at nagbabasa sa mata

Ang mga luha ay ang lumalabas na likido mula sa glandulang lakrimal o glandula ng luha. Dumadaloy itong pababa habang nasa ibabaw ng mata o buliga (buong mata), na nagdurulot ng pamamasa ng mata, at dumadaloy din sa talukap ng mata. Nakapahuhugas ng mga dumi mula sa mga buliga ang mga daloy ng luha, at mayroon ding panlinis o antiseptikong katangian at kilos.[1] Tinatawag na lakrimasyon, mula sa Ingles na lacrimation o lachrymation ang proseso ng pagluha, at ginagamit din sa medikal o pampanitikang diwa para sa pag-iyak. Maaaring humantong sa pagluha ang matitinding mga damdaming katulad ng kalungkutan o katuwaan, maging ang proseso ng paghihikab. Bagaman mayroong sistema ng lakrimasyon o sistemang pangluha ang lahat ng panlupang mga mamalya upang mapanatiling mamasa-masa ang kanilang mga mata, ang tao ang nag-iisang mamalyang pangkalahatang tinatanggap na umiiyak ng mga luhang may damdamin.[2][3]

Ang glandulang lakrimal o glandula ng luha.
Ang sistema ng luha. A) glandula ng luha / glandulang lakrimal B) pang-itaas na lakrimal na punctum o punktum {rehiyon ng butas o lagusan} C) pang-itaas na lakrimal na kanal o daluyang lakrimal D) sako o supot ng luha / sakong lakrimal E) pang-ibabang lakrimal na punktum o lagusan F) pang-ibabang lakrimal na kanal o daluyang lakrimal G) kanal o daluyang nasolakrimal {nasa may ilong}

Sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Tears". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 699.
  2. ""Are human beings the only animals that cry?" Yahoo! Answers. Marso 13, 2003". Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2009. Nakuha noong Enero 20, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Tears sa aquaticape.org

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.