Lupa (klasikong elemento)

Ang Lupa ay isa sa apat na klasikong elemento noong lumang pilosopiyang Griyego at agham. Karaniwang kinakabit ito sa mga katangian ng pagiging praktikal, kahinahunan at materyalismo. Kinakabit ito sa pisikal at senswal na aspeto ng buhay. Sa ilang mga sistema, isa ito sa apat na elemento. Ang iba pang klasikong elemento ay Hangin, Apoy, at Tubig.

Simbolong alkimikal ng lupa

Sa tradisyong Europeo, minungkahi ni Empedocles ng Acragas (c. 495 – c. 435 BCE) ang apat na archai na kung saan inuunawa ang kosmos: apoy, hangin, tubig, at lupa. Naniniwala si Plato (427–347 BCE) na mga anyong heometriko ang mga elemento (ang mga solidong platoniko) at itinalaga niya ang kubo o cube sa elemento ng lupa sa diyalogo niyang Timaeus.[1] Naniwala si Aristotle (384–322 BCE) na pinakamabigat na elemento ang lupa, at iminungkahi ng kanyang teoriyang Likas na lugar ang anumang sangkap na may lupa, ay maaring bumagsak ng mabilis, diretso pababa, tungo sa gitna ng kosmos.[2]

Dagdag pa ni Aristotle, sa alkimiya, pinaniniwalaang pangunahing tuyo ang lupa, at panglawa na malamig.[3] Lagpas mga klasiko nitong katangian, naiuugnay ang sustansiyang kimikal na asin sa lupa at ang simbolong alkimikal nito ay isang tatsulok na tumuturo pababa, na nahahati ng linya pahalang.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Plato, Timaeus, chap. 22–23; Gregory Vlastos, Plato's Universe, pp. 66–82. (sa Ingles)
  2. G. E. R. Lloyd, Aristotle, kabanata 7–8. (sa Ingles)
  3. "Aristotle". chemed.chem.purdue.edu (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-04-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)