Lymphatic filariasis

Ang lymphatic filariasis na kilala rin bilang elephantiasis ay sanhi ng mga parasitikong uod ng pamilya ng Filarioidea. Maraming mga kaso ng sakit na ito ay walang mga sintomas. Gayunpaman, may ilang mga taong nakakaranas ng pamamaga sa mga braso, binti, o ari. Maaari ding kumapal ang balat at makaranas ng sakit. Ang mga pagbabagon sa katawan na ito ay maaaring magdulot ng mga problemang panlipunan at pang-ekonomiko para sa taong apektado.[1]

Lymphatic filariasis 
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata

Ang mga uod ay kinakalat ng mga kagat ng lamok. Karaniwang nagsisimula ang mga impeksiyon habang bata pa lamang ang mga tao. May tatlong uri ng mga uod na sanhi ng sakit: Wuchereria bancroftiBrugia malayi, at Brugia timori. Ang Wuchereria bancrofti ang pinakakaraniwang. Sinisira ng mga uod ang sistemang limpatiko.[1] Isinasagawa ang diyagnosis ng sakit sa pamamagitan ng pagsusuri, gamit ang isang mikroskopyo, sa dugo na kinolekta sa gabi. Ang dugo ay dapat nasa anyo ng isang makapal na bahid at ito ay gagamitan ng Giemsa stain. Maaari ring suriin ang dugo para sa mga antibody.[2]

Isinasagawa ang pag-iwas sa pamamagitan ng taunang paggamot sa mga buong grupong may sakit na ito bilang pagsusumikap upang ganap na alisin ang sakit. Ito ay nagtatagal ng humigit-kumulang na anim na taon. Kabilang ang albendazole at ivermectin o albendazole at diethylcarbamazine sa mga gamot na ginagamit dito. Hindi pinapatay ng mga gamot na ito ang mga adultong uod ngunit pinipigilan nilang kumalat ang sakit hanggang sariling mamatay ang mga uod. Inirerekomenda rin ang mga pagsusumikap upang iwasan ang mga kagat ng lamok, kasama na rin ang pagbawas sa dami ng mga lamok, at ang paggamit ng mga kulambo.[1]

Higit sa 120 milyong mga tao ang nahawaan ng lymphatic filariasis. Humigit-kumulang 1.4 bilyong mga tao ang nanganganib sa sakit na ito sa 73 bansa. Pinakalaganap ito sa Aprika at Asya. Nagdudulot ang sakit na ito ng mga pagluluging pang-ekonomiko na naghahalaga ng napakaraming bilyon na dolyares bawat taon.[1]

Mga Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Lymphatic filariasis  Fact sheet N°102". World Health Organization. Marso 2014. Nakuha noong 20 Marso 2014. {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 22 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Parasites - Lymphatic Filariasis Diagnosis". CDC. Hunyo 14, 2013. Nakuha noong 21 Marso 2014. {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 10 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)