Miyembro ng parlamento

kinatawan ng mga manghahalal sa isang parlamento
(Idinirekta mula sa MP)

Ang Miyembro ng Parlament(Member of Parliament) ang isang kinatawan(representative) na hinalalal ng mga botante sa isang distritong elektoral na nagsisilbi sa parlamento ng isang bansa. Sa maraming bansang may bikameral na parlamento, ang terminong ito ay spesipikong tumutukoy lamang sa mga miyembro ng mababang kapulungan(lower house). Ang mga nasa mataas na kapulungan(upper house) ay karaniwang may ibang pamagat gaya ng senado kaya ang mga miyembro nito ay tinatawag na mga senador. Ang isang miyembro ng Parliamento ay katumbas ng isang silya sa parlamento. Ang partidong may pinakamaraming miyembro ng Parlamento na nahalal sa eleksiyon ang bumubuo ng gobyerno ng isang bansa at ang pinuno nito na isa ring miyembro ng Parlamento ay nagiging punong ministro(prime minister). Ang pamagat na ito ay karaniwang pinaikli sa mga inisyal nitong MP.