Maestranza de caballería


Ang Maestranzas de caballería (salin sa Tagalog: imbakang sandatahan ng mga mangangabayo) ay mga maharlikang orden (sa inggles: chivalric order) — sa kahariang Espanya.

Larawan ni Haring Alfonso XIII ng Espanya (1886-1941) suot ang uniporme ng Real Maestranza de Caballería ng Sevilla.
Larawan ng Marquess ng Vistabella sa uniporme ng Real Maestranza de Caballería ng Ronda, 1895

Ang layunin nito ay upang makapag-bigay ng paraan sa pag-ensayo ng pangangabayo at bihasang pag-gamit ng sandata. Noong ika-16 na siglo, ang caballería ay ang karaniwang sangay ng militar sa Espanya na sinasalihan ng mga maginoo.

Ang haring Felipe II ng Espanya ay naglabas ng Kataas-taasang Pahayag (Royal Decree) noong ika-6 ng Setyembre 1573, kung saan kanyang inihayag ang utos na magbuklod ang mga kalalakihang maharlika sa mga marangal na kapatiran o "cofradia". Ang institusyon ng Maestranza ay nilikha dahil doon upang ito ay matuonan ng mga kabalyero. Ang mga lumahok na mga maharlika ay binansagang mga maestrantes; sa ilalim ng isang banal na patron, na ang kadalasan ay ang Mahal na Birhen.

Mga maestranza

baguhin
Nilikha noong Agosto 3, 1573 ng mga maharlika ng munisipyong Ronda (sa lalawigan ng Malaga, Andalusia, bilang Hermandad del Santo Espíritu (kapatiran ng Diyos Espirito Santo). Ang kapatiran na ito ay ang naging Maestranza de caballería sa ngalan ng Mahal na Birhen, Puno ng Grasya.
Nilikha noong 1670 sa lungsod ng Sevilla mula sa isang kapatiran na nagpupugay kay Santo Herminio. Nang lumaon, ito ay naging Maestranza de caballería sa ngalan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.
Nilikha noong 1686 ng mga maharlika ng Granada sa ngalan ng Mahal na Birhen ng Tagumpay.
Nilikha noong 1697 ng mga maharlika ng Valencia sa ngalan ng Mahal na Birhen ng Inmaculada Concepcion.
  • Kasunod din ng naunang mga orden ang Maestranza ng Zaragoza na itinatag noong 1819;

— at ang Maestranza de caballería ng Segovia na itinatag noong 1808 at patuloy na gumagalaw pa rin bilang orden hanggang sa kasalukuyan.

Mga sagisag

baguhin




  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.