Ang Magen David Adom (Hebreo: מגן דוד אדום‎, dinadaglat bilang MDA o Mada) ay ang pambansang palingkuran, ambulansiya, at bangko ng dugong pang-emerhensiyang medikal ng Israel. Nangangahulugan itong "Pulang Kalasag ni David" subalit karaniwang isinasalin bilang "Pulang Bituin ni David" o "Talang Pula ni David". Mula pa noong Hunyo 2006, opisyal na kinilala ito ng Internasyunal na Komite ng Pulang Krus (International Committee of the Red Cross, o ICRC) bilang isang pambansang samahang pangtulong ng estado ng Israel sa ilalim ng mga Kumbensiyon ng Hinebra, at bilang isang kasapi sa Pederasyong Pandaigdig ng mga Samahang Pulang Krus at Pulang Gasuklay (International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies).

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.