Ang Magna Graecia (ang ibig sabihin sa Latin ay "Dakilang Gresya", Sinaunang Griyego: Μεγάλη Ἑλλάς, Megálē Hellás , Italyano: Magna Grecia) ay ang pangalang ibinigay ng mga Romano sa mga baybaying lugar ng Katimugang Italya sa mga kasalukuyang rehiyon ng Campania, Apulia, Basilicata, Calabria, at Sicilia; ang mga rehiyon na ito ay malawak na pinamugaran ng mga Griyegong nanirahan.[1] Dinala ng mga naninirahan na nagsimulang dumating sa ika-8 siglo BK ang kanilang Helenistikong sibilisasyon na nag-iwan ng isang matagal na marka sa Italya tulad ng kultura ng sinaunang Roma. Naimpluwensiyahan din nila ang mga katutubong tao, lalo na ang mga Sicilianong Siculo, na naging helenisado matapos nilang angkinin ang kultura ng Griyego bilang kanila.

Magna Graecia

Μεγάλη Ελλάς
  Northwestern   Achaean   Doric   Ionian
Kasalukuyang kalagayan Italy

Mga sanggunian

baguhin
  1. Henry Fanshawe Tozer (30 Oktubre 2014). A History of Ancient Geography. Cambridge University Press. p. 43. ISBN 978-1-108-07875-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)