Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga
Ang Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga (Kastila: Nuestra Señora de la Merced de Pampanga, Ingles: Our Lady of Mercy of Pampanga), kilala bilang "Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga" ay isang imahen ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang titulong Ina ng Awa na pinipintuho sa kanyang parokya sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga, Pilipinas. Dinarayo ang parokya ng mga deboto upang manalangin dito para sa kanilang espiritwal, mental at pisikal na kalusugan, para sa kanilang pamilya, sa matagumpay na pag-aaral at para sa paglago ng bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso.[1][2]
Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga Emperatriz na Marilag sa Katagalugan ng Pampanga | |
---|---|
Uri | Imahen ng Birheng Maria |
Dambana | Parokya ng Nuestra Señora de la Merced, Candaba, Pampanga |
Pagtangkilik | Bahay Pare, Candaba, Pampanga
Rehiyong Tagalog ng Pampanga Bokasyon sa Pagpapari at Buhay Relihiyoso Proteksyon mula sa Sakuna Mga Bilanggo |
Mga katangian | Niño Hesus, Espada, Sagisag Merseda Mercedaryo, Escapularyo ng Mahal na Birhen ng Panubos |
Araw ng kapistahan | Septyembre 24 |
Kilala ito bilang pinakaluma at orihinal na imahen ng titulong ito sa Pilipinas. Kilala rin siya bilang "Apung de la Merced" at "Nuestra". Ang kanyang kapistahan ay ginugunita tuwing Septyembre 24, ang liturhikal na kapistahan niya na ayon sa Pangkalahatang Kalendaryong Romano.[2][3][4][1]
Kasaysayan
baguhinAyon sa mga tala ng kasaysayan, ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria, Nuestra Señora de la Merced ay nagmula sa bansang Espanya, kung saan maraming Kristiyano ang dinakip, pinag-uusig, at ginawang alipin ng mga Moro. Maraming tapat na binyagan ang nabilanggo dahil sa hindi nila pagsuko sa kanilang pananampalataya.
Dahil sa patuloy na pagdalangin at paghingi ng awa, noong ika-2 ng Agosto, 1218, nagpakita sa isang mahimalang aparisyon ang Mahal na Ina ng Diyos kay Pedro Nolasco, Raymundo de Peñafort, isang paring Dominikano at kay Haring Jaime I ng Aragon. Ang aparisyong ito ay naganap mula hating-gabi ng ika-1 ng Agosto hanggang madaling araw ng ika-2 Agosto, sa magkakasunod na pagkakataon. Dito ay itinagubilin ng Mahal na Ina ang kanyang eskapularyo na naging instrumento sa pagpapalaya sa mga Kristiyanong bihag ng mga Moro. Si Pedro Nolasco, sa pakikipagtulungan nina Haring Jaime I at Raymundo de Peñafort, ang nagtatag ng Orden ng Nuestra Señora de la Merced (Mercedarian Order) na ang pangunahing misyon ay tubusin ang mga Kristiyanong bihag. Ang orden ay itinatag noong ika-10 ng Agosto, 1218 at pinagtibay ni Papa Gregorio IX. Siya rin ang nagpalabas ng kautusan na nagtatalaga sa ika- 24 ng Setyembre ng bawat taon bilang kapistahan ng Mahal na Birheng Maria, sa ilalim ng titulong Nuestra Senora de la Merced. Ito ay ipinalaganap sa buong Santa Iglesia ni Papa Inocencio XII.
Tinatayang ika-18 siglo nang dalhin ng mga misyonerong Paring Kastila ang mapaghimalang imahen ng Nuestra Señora de la Merced sa Bahay Pare, Candaba, Pampanga kung saan siya ay itinanghal bilang Patrona. Ang ilan naman ay nagsasabing ito ay dala ni Padre Aniceto dela Merced na siyang naging ika-78 na kura paroko ng Parokya ng San Andres sa Candaba, Pampanga at matagal na nanirahan sa bayan ng Baliwag, Bulacan. Siya ang sumulat ng sikat na Pasyong Candaba na nasusulat sa wikang Tagalog. Mula naman sa ilang impormasyon, ang imahen ay dala ng mga Hospitaller Brothers of St. John dahil pag- aari nila noon ang Hacienda de Bahay Pare. Hindi man matukoy ang tunay na pinagmulan ng imahen, malinaw na ito ay isa sa mga pinakamahalagang biyayang tinanggap ng parokya sa Bahay Pare. Sa lugar na ito nagsimula ang debosyon sa Mahal na Birhen, Nuestra Senora de la Merced sa Pilipinas. Siya ang naging sandigan ng mga mananampalataya para sa kagalingan ng mga maysakit, sa mga kalamidad at sakuna, sa panahon ng digmaan, para sa matagumpay na pag -aaral, para sa pagkakasundo ng pamilya, sa matatag na bokasyon sa buhay relihiyoso, sa panahon ng kagipitan, sa pagkakaroon ng matatag at buhay na pananampalataya.
Mahal na Birhen sa Pinac
baguhinNoong Agosto 22, 2021 and "Mahal na Birhen sa Pinac" o ang "Nuestra Señora de la Merced sa Pinac", isang monumento ng Ina ng Awa sa Pinac, Paligui, Candaba, Pampanga ay binasbasan ng Lub. Kgg. Florentino G. Lavarias, D.D., Arsobispo ng San Fernando kasama ang Lub. Kgg. Paciano Aniceto sa paggunita sa pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria. Ito ay naging lokal na pasyalan ng mga tao.
Ang Nuestra sa Pinac ay isang regalo para sa ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang monumento ng Mahal na Ina ay plilano at dinisenyuhan ni Arkitekto Bryan Joseph DG Galang, UAP.
Mga awitin sa Mahal na Birhen ng Awa ng Pampanga
baguhinDalit sa Mahal na Birhen ng Awa | Inang Birheng de la Merced |
---|---|
Antipona: //Nuestra Señora de la Merced, Mahal na Birhen ng Awa
Inang Liyag, Inang Dakila, Ipanalangin mo kami!// (Dinagdag sa Pagsasalin sa Musika ni Cris Cadiang noong 2018)
Na lunas ng nasa Hirap, Dalitain mong iligtas Ang sa sala’y nabibihag.
Sa kristyanong inaalipin Ng mga Morong suwail Ay tinagos ng patalim Ang lupang iyong nilakad Sa sinta mo sa may hirap.
Kapwa dakilang santo At si Jaimeng lingkod mo, Ang iyong pinasaklolo Sa Kristiyanong nag-iiyak Sa kaalipinan sa paghihirap.
Ang Orden mo sa pagsakop Sa kamay ng mga Moro Ang nasawing mga Kristyano Aliw kang kaliyag-liyag Ng Kristyanong nasa hirap.
Ay binigyan kang galang At di minsan natikman Sa puso mo ang katamisan Sila’y iyong iniligtas Sa sari-saring paghihirap.
Pinakikinggan mo agad Dala ng malaking habag Sila’y iyong pinagkakapalad Ang kristyanong naghihirap Ang tulong mong walang liwag.
Pinataksi ng aming bayan, Tanang dito’y napipisan Iadya sa kahapisan Tanggulan ng mga mahihirap Imperatrix na marilag.
Ang sa sala’y nabibihag Sa tulong mo, Birheng liyag Na lunas ng nasa hirap. |
Inang Birhen de la Merced
Mahal naming Patrona Pari at tao mong mahal Basbasan mong lubusan O ina, ‘yong tulungan Kumilala ng tunay Sa’yong makainang lingap At sa’yong pagmamahal
|
Galerya
baguhin-
Orihinal na Imahen ng Nuestra Señora de la Merced de Pampanga sa kanyang retablo
-
Opisyal na Replica ng Nuestra Señora de la Merced kasama ang mga Santo at Beatong Mercedario
-
Replica ng Nuestra Señora de la Merced sa Parokya ni San Agustin, Lungsod ng Baliwag, Bulacan
Mga anggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Malabanan, James Benedict (2017). "Nuestra Señora de la Merced de Candaba – Candaba's Merciful Lady". NA.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Darang, Josephine (2006). A Purely Personal Book of Miracles: A Collection of Columns Published by the Philippine Daily Inquirer. Sound Publishing Corporation. ISBN 9718994807.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santoro, Nicholas (2011). Mary in Our Life: Atlas of the Names and Titles of Mary, the Mother of Jesus, and Their Place in Marian Devotion. iUniverse. ISBN 1462040217.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Days of the Lord: Solemnities and feasts. Liturgical Press. 1991. ISBN 0814619053.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)