Mahmud II
Si Mahmud II (Turkong Ottomano: محمود ثانى Mahmud-ı sānī) (20 Hulyo 1789 – 1 Hulyo 1839) ay ang ika-30 Sultan ng Imperyong Ottomano mula 1808 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1839. Ipinanganak siya sa Palasyo ng Topkapi, Konstantinopla,[1] ang anak na lalaki ni Sultan Abdulhamid I, na ipinanganak pagkaraang mamatay si Sultan Abdulhamid I. Ang pamumuno ni Mahmud II ay karamihang kapansin-pansin dahil sa malawak at masaklaw na mga repormang pampangangasiwa, pangmilitar, at pampag-iingat-yaman na pinasimulan niya, na humantong sa Atas ng Tanzimat (Reorganisasyon o Muling Pagsasaayos) na isinagawa ng kaniyang mga anak na lalaking sina Abdülmecid I at Abdülaziz I.
Mahmud II | |
---|---|
Kapanganakan | 20 Hulyo 1785 |
Kamatayan | 1 Hulyo 1839 |
Mamamayan | Imperyong Otomano |
Asawa | Bezmiâlem Sultan Pertevniyal Sultan |
Anak | Abdülmecid I Abdülaziz Adile Sultan |
Magulang |
|
Pirma | |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Finkel, Caroline, Osman's Dream, (Basic Books, 2005), 57; "Istanbul was only adopted as the city's official name in 1930..".
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.