Malé
Ang Malé ( /ˈmɑːleɪ/, IPA: [ˈmaːle]; Dhivehi: މާލެ) ay kabisera at ang pinakamataong lungsod ng Maldives. Mayroon itong populasyon na 252,768[3] kabilang ang ibang mga distrito at may sukat na 8.30 km2 (3.20 mi kuw), ito ang isa sa mga lungsod na may pinakamakapal ang densidad sa mundo.[4][5] Sa heograpiya, matatagpuan ang lungsod sa katimugang dulo ng Hilangang Karang ng Malé (Karang ng Kaafu).[6]
Malé މާލެ | |
---|---|
Kabiserang lungsod | |
Lungsod ng Malé | |
Itaas: Tanaw sa himpapawid ng Malé; Gitna: Palasyong Pampanguluhan ng Maldives, Liwasang Sultan; Ilalim: Aplaya ng Malé, Mosqueng Biyernes ng Malé | |
Mga koordinado: 4°10′31″N 73°30′32″E / 4.17528°N 73.50889°E | |
Bansa | Maldives |
Heograpikong karangGeographic atoll | Hilagang Karang ng Malé |
Pamahalaan | |
• Uri | Alkalde-konseho |
• Konseho | Konseho ng Lungsod ng Malé |
• Alkalde | Mohamed Muizzu[1] (PPM) |
• Alkadeng Diputado | Ahmed Nareesh |
Lawak | |
• Kabiserang lungsod | 11.22 km2 (4.33 milya kuwadrado) |
• Urban | 1.95 km2 (0.75 milya kuwadrado) |
• Metro | 9.27 km2 (3.58 milya kuwadrado) |
Kabilang sa kalakhang lugar ang Hulhulé at Hulhumalé. | |
Taas | 2.4 m (7.9 tal) |
Populasyon (2022)[2] | |
• Kabiserang lungsod | 212,138 |
• Kapal | 19,000/km2 (49,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+5 (MVT) |
Nakatalagang Titik | T |
Kodigo ng lugar | 331, 332, 333, 334 |
Kodigo ng ISO 3166 | MV-MLE |
Websayt | malecity.gov.mv |
Sa pamamahala, pinapamahalaan ng Konsheho ng Lungsod ng Malé ang lungsod na binubuo ng pulo sa gitna, isang pulong paliparan, at iba pang apat na mga pulo.
Sa tradisyon, sa pulong King kung saan namuno ang mga sinaunang dinastiyang may dugong bughaw at kung saan matatagpuan ang palasyo. Tinatawag noon ang lungsod bilang Mahal.[7] Dati ito de-pader na lungsod na pinapalibutan ng mga portipikasyon at tarangkahan (doroshi). Nawasak ang Palasyong Panghari (Gan'duvaru) kasama ang mga piktorikong puwerto (koshi) at balwarte (buruzu) nang muling minodelo ang lungsod sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ibrahim Nasir noong resulta ng pagbuwas sa monarkiya noong 1968. Bagaman, may ilang gusali ang nanatili, ang Moskeng Biyernes ng Malé. Sa mga huling mga dekada, malaki ang pagpapalawak sa pulo sa pamamagitan ng reklamasyon ng lupa. Sa paglipas ng panahon, ang Malé ay naging sentro ng mga protestang pampolitika at kaganapang milyahe.
Pangkalahatang ideya
baguhinBagaman sa heograpiya, matatagpuan ang Malé sa Karang ng Kaafu, hindi ito tinuturing kasama sa pamamahala. Ang gitnang bahagi ng lungsod ay binuo sa pamamagitan ng pulo ng Malé. Lima pang mga pulo ang binubuo na bahagi ng lungsod na kinabibilangan ng Hulhulé, Hulhumalé, Vilimalé, Gulhifalhu at Thilafushi. Matatagpuan ang pangkomersyong puwerto sa gitnang pulo at nagsisilbing bilang puso ng lahat ng mga aktibidad pangkomersyo sa bansa. Matatagpuan ang Pandaigdigang Paliparan ng Velana sa Pulo ng Hulhulé.[8]
Lubhang urbanisado ang gitnang pulo, na ang tinayong lugar ay pangunahing kinukuha ang buong lupain.[8] Bahagyang mas mababa sa isang-katlo ng populasyon ng bansa ang nakatira sa kabiserang lungsod, at tumaas ang populasyon mula 20,000 katao noong 1987 hanggang 100,000 katao noong 2006. Maraming taga-Maldives at banyagang manggagawa na nakatira sa ibang lugar ng bansa ang nakikita ang sarili na paminsan-minsang nagiging residente ng pulo sa maikling panahon yayamang ito ang sentro ng pamamahala at burukrasya. Nakatira ang karamihan ng populasyon ng Malé sa maliliit na bahay o mga kompleks paupahan, na kadalasang binabahagi sa panlabas na pamilya o kakuwarto. Nagdulot ito ng pag-unlad ng Hulhumalé at ang ekstensyon sa Yugto 2. Tumatayo ang taga-ibang bansang Indiyanong pamayanan bilang ikalawang pinakamalaki, na binubuo ng 27,000 indibiduwal. Kabilang sa kanila ang isang mahalagang porsyon na binubuo ng mga manggagawa sa konstruksyon, doktor, nars, propesyunal sa kalusugan, at guro, na gumaganap ng mahalagang gampanin sa imprastraktura, pangangalaga ng kalusugan, at sektor ng edukasyon ng mga taga-Maldives. Karagdagan pa dito, mahalagang nag-aambag ang mga mamamayang Indiyano at Bangladeshi bilang mga manggagawang sanay, kasama ang malaki-laki presensya ng manggagawang di-sanay, gayon din ang ibang propesyunal at kasapi ng pamayanang pangnegosyo.[9]
Heograpiya
baguhinMga subdibisyon
baguhinNahahati ang lungsod sa anim na dibisyon, apat dito ang nasa Pulo ng Malé: ang Henveiru, Galolhu, Maafannu at Macchangolhi. Ikalimang dibisyon ang katabing pulo ng Vilimalé, dati isang bakasyunang panturista. Isang artipisyal na pulo ang ikaanim na dibisyon, ang Hulhumalé, na pinanirahan simula pa noong 2004. Karagdagan pa dito, bahagi ng lungsod ang paliparang Pulo ng Hulhulé. Nagawa ang mga balakin upang paunlarin ang bahurang Gulhifalhu, na nagsimula ang pagpapatupad noong 2008.[10][11][12]
|
|||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Hen.
Gal.
Mac.
Maa.
5 Villingili
6 Hulhumalé
← Gulhi Falhu
7 Hulhulé
Dho.
Fun.
Gal. = 1 Galolhu
Hen. = 2 Henveiru
Maa. = 3 Maafannu
Mac. = 4 Machchangolhi
di bahagi ng Lungsod ng Malé:
Dho. = Dhoonidhoo (Pulong Preso)
Fun. = Funadhoo
|
Ang pulo ng Malé ay ang ikawalong pulo na may pinakamakapal na densidad ng populasyon sa mundo, at ito ang ika-160 pinakamataong pulo sa mundo. Yayamang walang nakapalibot na kabukiran, matatagpuan lahat ng imprastraktura sa lungsod mismo. Binibigay ang tubig mula sa tinanggalan ng asin na tubig mula sa lupa; binobomba ng patubig ang maalat-alat na tubig mula sa malalim na balon na nasa 50–60 m (160–200 tal) sa lungsod at tinatanggalan ng asin gamit ang binaligtad na pagatagas.[13] Nagkakaroon ng kuryente gamit ang mga henarador na diesel.[14] Binobomba ang dumi sa alkantarilya na hindi pinoproseso tungo sa dagat.[13] Nilalakbay ang basurang solido sa katabing mga pulo, kung saan ginagamit upang punuan ang lawa. Itinayo ang paliparan ng ganitong paraan, at sa kasalukuyan pinupunan ang lawang Thilafushi.[15][16]
Matatagpuan ang maraming gusaling pamahalaan at ahensiya sa aplaya. Ang Pandaigdigang Paliparan ng Velena ay nasa katabing Pulo ng Hulhulé na kabilang ang base ng eruplanong pantubig para panloob na transportasyon. Ilan mga proyektong reklamasyon ang pinalawak ang puwerto.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Ex-Housing Minister elected as Malé City Mayor". avas.mv (sa wikang Ingles). Nakuha noong 3 Oktubre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2022 Census Provisional Results". census.gov.mv (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Malé City's land use plan 2021". avas.mv (sa wikang Ingles). Nakuha noong 15 Abril 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The population density of Malé". environment.gov.mv (sa wikang Ingles). Ministry of Environment, Climate Change and Technology. Nakuha noong 29 Mayo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Population explosion; a major environmental issue in Male'". ECOCARE Maldives (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2012. Nakuha noong 23 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Silver Marlin, Maldives - About Maldives". www.silvermarlin.mv (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobyembre 2015. Nakuha noong 23 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Naseema Mohamed. "Names of Maldives" (PDF). www.qaumiyyath.gov.mv (sa wikang Ingles). Nakuha noong 23 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 National Imagery and Mapping Agency (US) (2002). "Sector 5. The Laccadive Islands and the Maldive Islands". Sailing Directions (Enroute): India and the Bay of Bengal (PDF). United States Navy Publication 173 (sa wikang Ingles) (ika-pito (na) edisyon). Bethesda, Maryland: United States National Imagery and Mapping Agency. pp. 109–110. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 1 Pebrero 2017.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "India‐Maldives Bilateral Relations" (PDF). mea.gov.in (sa wikang Ingles). Hulyo 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Gulhi Falhu project to begin early 2008". Miadhu Daily (sa wikang Ingles). Male. 7 Oktubre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2014.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pres. visits Gulhi Falhu". Miadhu Daily (sa wikang Ingles). Male. 28 Disyembre 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Disyembre 2010. Nakuha noong 26 Mayo 2014.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maldives first amusement park opens in Gulhi Falhu". Minivan News (sa wikang Ingles). Male. 1 Disyembre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Mayo 2014. Nakuha noong 26 Mayo 2014.
{{cite news}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 Malé Water & Sewage Company Pvt Ltd. "Malé Water & Sewage FAQ" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Stelco. "Corporate Profile: State Electric Company Ltd (STELCO)" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ United Nations Environmental Programme. "Management of Solid Waste and Sewage" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 24 Marso 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Waheed, Abdullah. "Gold in Garbage — the Experience from Maldives" (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 1 Hulyo 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)