Malaking kalamnang pampigi
Ang malaking kalamnang pampigi, malaking kalamnang pampuwit, o ang masel na gluteus maximus (nakikilala rin bilang glutæus maximus o, bilang kalipunan ay tinatawag na mga glutea (mga glute o glutes sa Ingles) kapag kasama ang gluteus medius o kalamnang pampigi na panggitna ang laki, at ang gluteus minimus o maliit na kalamnang pampigi) ay ang pinakamalaki at pinakapanlabas at pinakapang-ibabaw sa tatlong mga kalamnang gluteal (mga kalamnang pampuwitan). Ito ang bumubuo sa isang malaking bahagi ng hugis at anyo ng puwit. Isa itong malapad, makapal, at malaman na masa, na may hugis na may apat na gilid (kuwadrilateral), at ito ang bumubuo o humuhubog sa tangos o umbok at pagkausli ng puwitan.
Ang malaking sukat nito ay isa sa pinaka likas na mga tampok na katangian ng sistemang pangkalamnan ng mga tao,[1] na magkakabit na ganyan na may kapangyarihan na magpanatili sa tindig o tikas na patayo ng punong katawan Ang ibang mga primado ay mayroong mas sapad o patag na mga puwit.
Ang masel na ito ay halatang-halatang magaspang o magalas ang kayarian, dahil binubuo ito ng fasciculi (mga bigkis o kumpol ng mga masel) na nakahimlay na magkakahilera at magkakaagapay sa isa't isa at tinipong sama-sama upang maging malalaking mga bungkos na pinaghihiwalay ng mahiblang mga tabiki (mga septum o septa).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Norman Eizenberg et al., General Anatomy: Principles and Applications (2008), p 17.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.