Ang mami ay isang pagkaing Pilipino na may sabaw at sahog na maninipis na pansit na gawa mula sa harina.[1] Dahil sa karaniwan itong sinasangkapan ng mga hibla ng dibdib ng pinakuluang manok, ito ay tinatawag ding chicken mami (salitang Ingles na nangangahulugang "maming manok")[2] o chicken noodle soup.[3] Ngunit may gumagamit din ng sahog na baboy sa halip na manok.[3] Hango ito sa estilo ng pagluluto ng mga Intsik.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Fabian, Rosario. Aling Charing's Filipino & Foreign Recipes, nasa wikang Ingles, National Bookstore, 1986, pahina 96, ISBN 9710829300
  3. 3.0 3.1 3.2 Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 29 at 193, ISBN 9710800620

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.