Si Mamnoon Hussain (Urdu: ممنون حسین‎ (Disyembre 23, 1940 – 14 Hulyo 2021) ay isang negosyante sa larangan ng mga tela at politiko[4] na nahalal bilang Pangulo ng Pakistan noong 2013.

Mamnoon Hussain
ممنون حسین
Mamnoon Hussain (2014)
Pangulo ng Pakistan
Nasa puwesto
9 Setyembre 2013 – 9 Setyembre 2018
Punong Ministro
Nakaraang sinundanAsif Ali Zardari
Sinundan niArif Alvi
ika-27 Gobernador ng Sindh
Nasa puwesto
19 Hunyo 1999 – 12 Oktubre 1999
Nakaraang sinundanMoinuddin Haider
Sinundan niAzim Daudpota
Personal na detalye
Isinilang23 Disyembre 1940(1940-12-23)[1][2]
Agra, British Raj
(ngayo'y Indiya)
Yumao14 Hulyo 2021(2021-07-14) (edad 80)
Karachi, Sindh, Pakistan
Partidong pampolitikaPakistan Muslim League (N)
Alma materInstitute of Business Administration, Karachi[3]

Si Hussain ay naupo bilang Gobernador ng Sindh noong 1999, natapos ang kanyang panununkulan noong sumiklab ang kudetang militar noong Oktubre 1999. Siya ay nahalal bilang ika-12 Pangulo ng Pakistan noong Hulyo 30, 2013 at magsisimulang maupo sa Setyembre 8, 2013, pinalitan niya si Asif Ali Zardari.

Noong Pebrero 2020, Si Hussain ay nasuri na may sakit na kanser. Namatay siya mula rito noong 14 Hulyo 2021 sa isang ospital sa Karachi, edad 80.[5] Kilala siya bilang isang pangulong nagpanatili ng kanyang low-key profile, at bihira siyang makita sa mga aktibidades pampolitika sa Pakistan. Si Hussain ay nagkaroon lamang ng pansin sa politika dahil sa kanyang paglahok sa programang pampaalis polio ng bansa.[6]

Sanggunian

baguhin
  1. Khattak, Sohail. "Mamnoon Hussain: A man of principles". The Express Tribune.
  2. "World". The Tribune.
  3. "Profile of Pakistan's president-elect Mamnoon Hussain". Xinhua News Agency. 2013-07-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Profile of presidential candidate Mamnoon Hussain
  5. "Former president Mamnoon Hussain passes away in Karachi at 80". Dawn. 14 Hulyo 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rashid, Haroon (3 Marso 2014). "Mamnoon Hussain: Pakistan's 'invisible' president". BBC News. Nakuha noong 21 Setyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Moinuddin Haider
Governor of Sindh
1999
Susunod:
Azim Daudpota
Sinundan:
Asif Ali Zardari
President of Pakistan
2013–2018
Susunod:
Arif Alvi

Padron:Presidents of Pakistan