Ang mana (Ebreo: מן, man; Ingles: manna) ay tumutukoy sa mga pagkain ng Israelita na nabanggit sa Tanakh at sa Bibliya. Nagmula ito sa man hu (מן הוא) ng wikang Arameo,[1][2] na ang ibig sabihin ay "Ano ito?"[3] o "Ano siya?"[4] Sa gayon, ang diwang kahulugan ng katawagan ay "kung-ano-man-’to" at inilalahad ang katangi-tangi at kakaibang uri nito sa karanasang Ebreo.[5] Ito ang ginamit na pantawag ng mga Israelita sa natatanging pagkaing ibinigay sa kanila ng Diyos habang naroroon sila sa ilang o disyerto. Kabilang katangian nito ang pagiging isang pagkaing maputi at matamis ang lasa na lumilitaw mula sa lupa tuwing umaga.

Mana

Paghahambing kay Hesus

baguhin

Ayon kay Hesus, sa Bagong Tipan ng Bibliya (matatagpuan sa Juan 6: 30-35 at 57-58), na katulad siya ng isang mana sapagkat siya ang "tinapay ng buhay" na makatutugon o makapag-aalis ng kagutumang espiritwal o pangkaluluwa ng kanyang mga tagasunod.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Mechon-Mamre.org". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-23. Nakuha noong 2009-01-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Mana, man hu, Exodo 16:15, ayon sa paliwanag na nasa pahina 110". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 The Committee on Bible Translation (1984). "Manna, "What is it?"". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary/Concordance, pahina B7.
  4. Komentaryo ni Peake hinggil sa Bibliya
  5. Komentaryo (paliwanag), Exodus 16.31. The Jewish Study Bible. OUP: New York.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.