Manananggal

isang mala-bampirang nilalang mula sa mitolohiyang Pilipino

Ang manananggal ay isang nilalang na may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan. Ito ay sinasabing nagpapalit ng anyo kapag sumapit na ang hatinggabi. Ang mga manananggal ay may kakayahang hatiin ang katawan at tinutubuan din ito ng pakpak na parang sa paniki. Paborito daw kainin ng mga manananggal ang sanggol sa sinapupunan ng isang babaeng nagdadalang-tao gamit ang kanilang dila na kasing nipis ng karayom at kayang humigop ng dugo.

Isang pagsasalarawan ng manananggal.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.