Ang Manestra o Menestra[1], na Maneštra sa orihinal na pagbabaybay sa wikang Kroato, ay isang nilaga o pinakuluang pagkaing sabaw na gulay mula sa Istria, Kroasya. Gawa ito sa mais ng tagsibol at bantog sa kabuoan ng hilagang Adriyatiko. Binubuo ang nakabubusog na sabaw na ito ng pinausukang karne, mga munggo, pasta, at mga gulay. Inihahain ito bilang unang kurso o unang entrada o unang hain ng sabaw kung ang pangunahing mga sangkap ay mga gulay, subalit maaaring isilbi bilang pangunahing hain o kurso kapag yari sa "mas malalakas na mga sangkap" katulad ng karne. Ito ang Istrianong bersyon ng Italyanong minestrone.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Menestra," The Flavours of Croatia, Croatia, Eyewitness Travel, DK, London/Bagong York, 2005/2007, pahina 236, ISBN 9780756626334

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain at Croatia ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.