Maneki-neko
Ang maneki-neko (Hapones: 招き猫, literal "kumakaway na pusa") ay isang pangkaraniwang pigurilyang Hapones (pampasuwerte) na kalimitang pinaniniwalaang nagdadala ng suwerte sa may-ari. Sa makabagong panahon, kadalasan itong yari sa seramiko o plastiko. Inilalarawan ng pigurilya ang pusa (nakagisnang isang Kalikong Japanese Bobtail) na kumakaway-kaway na nakatayo nang tuwid ang kamay, at kadalasang naka-muwestra sa—kadalasan sa pasukan—ng mga tindahan, bahay-kainan, pook-pachinkohan, at iba pang mga negosyo. Ang ibang mga hulma ay pinapatakbo ng baterya at dahan-dahan ang pagkaway-kaway. Sa Ingles, tinatawag din ang maneki-neko na welcoming cat (nagpapatuloy na pusa), lucky cat (mapalad o masuwerteng pusa), money cat (pamperang pusa), happy cat (masayang pusa), beckoning cat (kumakaway na pusa), o fortune cat (pangkapalarang pusa).
Mayroong iba't ibang kulay, estilo at antas ng pagkaka-palamuti at hulma ang mga maneki-neko. Karaniwang mga kulay ang puti, itim, ginto, at minsan pula. Sa karagdagan sa mga seramikong pigurilya, maaaring maging isang keychain, alkansya, pampabango (air freshner), pasong pambahay, at iba't iba pang panggayak, at maging malalaking rebulto o imahen.
Kawing Panlabas
baguhin- Maneki neko resource site Naka-arkibo 2016-05-05 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.