Manikang Matryoshka

Ang manikang Matryoshka, manikang Matrioska, o Rusong magkakasalansang mga manika ay isang pangkat ng mga manikang lumiliit ang mga sukat at nailalagay ang isa sa loob ng isa, o naisasalansang naipapasok ang isa sa pagkakasyahang susunod na manika. Tinatawag din itong manikang Babushka bagaman may kamalian sapagkat nangangahulugan ang babushka bilang lola sa Ruso. Mas tama ang katawang manikang Matryoshka sapagkat hango ang matryoshka (матрёшка) mula sa "Matryona", isang pangalang pambabae sa wikang Ruso, at tanyag sa mga pesante o magbubukid ng dating Rusya. May kaugnayan naman ang pangalang Matryona sa pinag-ugatan Latin na mater na nangangahulugang "ina", kaya't malapit na may kaugnayan ang pangalan sa pagiging ina o pagka-ina, na dahilan ng pagiging sagisag ng pertilidad o pagkapalabuntisin ng manika.

Mga manikang Matrioska.

Mga sanggunian

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalinangan at Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.