Mantikilya

(Idinirekta mula sa Mantekilya)

Ang mantikilya (Ingles: butter) ay isang solido na produktong mula sa gatas na ginawa sa pamamagitan ng pagbatí ng sariwa o nag-ferment nang gatas, upang paghiwalayin ang butterfat mula sa buttermilk. Ito ay karaniwang ginagamit bílang isang spread sa plain o tinustang tinapay at isang rekado sa mga lutóng may gulay, pati na rin sa pagluluto, tulad ng pagluluto sa hurno, paggawa ng sarsa, at pagpiprito. Ang mantekilya ay binubuo ng butterfat, protinang gatas at tubig.

Kadalasang ginagawa mula sa gatas ng báka, ang mantekilya ay maaari ding gawa mula sa gatas ng iba pang mga mamalya kabílang ang tupa, kambing, kalabaw, at mga yak. Ang asin gaya ng dairy salt, mga pampalasa, at mga preserbatibo ay dinaragdag minsan sa mantekilya. Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.