Maon Kurosaki
Si Maon Kurosaki (黒崎 真音 Kurosaki Maon, ipinanganak noong Enero 13) ay isang Hapong manganganta galing sa Tokyo. Ang kanyang tatak ay Geneon Universal Entertainment. Inilibas niya ang kanyang unang album, ang H.O.T.D. noong Setyembre 2010, kung saan isinama ang mga kanta sa anime na Highschool of the Dead. Ang dalawang single na sumunod, ang ""Magic∞World" at "Memories Last", ay ginamit sa anime na Toaru Majutsu no Index. Sumali rin si Kurosaki sa LisAni 2010, at kumanta siya nang dalawang beses Anime Expo 2011 sa Los Angeles, California. Kumanta rin siya sa Animelo 2011 at 2012.
Maon Kurosaki 黒崎 真音 | |
---|---|
Kabatiran | |
Kapanganakan | Enero 13 |
Genre | J-rock |
Trabaho | Mang-aawit |
Taong aktibo | 2008–kasalukuyan |
Label | Geneon Universal Entertainment |
Website | Opisyal na website |
Karera
baguhinSinimulan ni Kurosaki ang kanyang karera sa bar na Dear Stage sa Akihabara, kung saan kumakanta siya simula Enero 2008.[1] Napansin siya ng producer na si Akihiro Tomita, na naging producer niya noong nagsimula ang propesyonal na karera ni Kurosaki sa tatak na Geneon Universal Entertainment. Unang sinabi ni Kurosaki ang pagiging propesyonal niya noong Enero 2010.[2] Bago nito, lumabas si Kurosaki bilang modelong gravure para sa pabalat ng nobela ni Yūsaku Kitano na Maid Load Reload na inilabas ng ASCII Media Works noong Abril 26, 2010 sa kanilang imprint na MediaWorks Bunko.[3][4]
Ang unang album ni Kurosaki ay ang H.O.T.D. na inilabas noong Setyembre 22, 2010, kung saan isinama ang mga kantang ginamit sa anime na Highschool of the Dead. Upang ipagunita ang paglabas ng album at ang pag-ere ng anime, kinanta niya ang mga kantang galing sa album isang beses kada linggo sa Dear Stage mula Hulyo 7 hanggang Setyembre 22, 2010. Isa pang kaganapan ang ginanap sa Animate sa Yokohama noong Oktubre 26, 2010. Si Kurosaki ang naging regular na host ng programang A&G Artist Zone 2h mula noong Oktubre 7, 2010. Ang kanyang unang single, ang "Magic∞World", ay inilabas noong Nobyembre 24, 2010,[5] at kumanta siya sa Dear Stage noong araw na iyon upang ipagunita ang paglabas ng single. Ang kanyang pangalawang single, ang "Memories Last" (メモリーズ・ラスト), ay inilabas noong Marso 2, 2011.[6] Ang "Magic∞World" at "Memories Last" ay parehong ginamit sa anime na Toaru Majutsu no Index.
Ang unang konsyerto ni Kurosaki, "Maon Kurosaki Live 2011 Spring: Memories First", ay ginanap sa Harajuku noong Marso 4-5, 2011. Una siyang lumabas sa Hilagang Amerika sa Anime Expo 2011 na ginanap sa Los Angeles, California, kung saan kumanta siya noong Hulyo 1 at 3.[7][8] Inilabas niya ang mini-album na Goshiki Uta: Immortal Lovers noong Agosto 10, 2011, kung saan sinama ang mga kantang ginamit sa original video animation na Hakuōki Sekkaroku. Unang lumabas siya sa Animelo Summer Live noong Agosto 28, 2011.[9] Inilabas niya ang kanyang pangalawang album, ang Butterfly Effect, noong Nobyembre 30, 2011.[10]
Noong 2011, binuo ni Kurosaki ang bandang Altima kasama nina Mototaka "Motsu" Segawa ng bandang Move at Satoshi "Sat" Yaginuma ng bandang fripSide.[11] Naglabas pa si Kurosaki ng tatlong single noong 2012; ang "Hell:ium" noong Mayo 9, ang "Reimei" (黎鳴) noong Agosto 8, at ang "Under / Shaft" noong Oktubre 17. Ang "Reimei" ay ginamit sa anime na Hakuōki Reimeiroku, habang ang "Under / Shaft" ay ginamit sa anime na Jormungand: Perfect Order. Ang kanyang pangatlong album, ang Vertical Horizon, ay inilabas noong Abril 10, 2013.
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhinTaon | Mga detalye | Pinakamataas na Oricon chart position |
---|---|---|
2010 | H.O.T.D.
|
25[12] |
2011 | Goshiki Uta: Immortal Lovers
|
51[13] |
Butterfly Effect
|
43[10] | |
2013 | Vertical Horizon
|
25[14] |
Mga single
baguhinTaon | Kanta | Pinakamataas na Oricon chart position |
Album |
---|---|---|---|
2010 | "Magic∞World" | 20[5] | Butterfly Effect |
2011 | "Memories Last" | 14[6] | |
2012 | "Hell:ium" | 61[15] | Vertical Horizon |
"Reimei" | 40[16] | ||
"Under / Shaft" | 36[17] |
Mga music video
baguhinYear | Kanta | Direktor |
---|---|---|
2010 | "Magic∞World" | |
2011 | "Memories Last" | |
"Vanishing Point" | ||
2012 | "Hell:ium" | |
"Reimei" | ||
"Under / Shaft" |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "まおんです!" (sa wikang Hapones). Dear Stage. Enero 19, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-27. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "新曲「メモリーズ・ラスト」をリリースする黒崎真音さんインタビュー" (sa wikang Hapones). Animate. Marso 3, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 27, 2015. Nakuha noong Hulyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "黒崎真音表紙!「メイド・ロード・リロード」4/26発売!" (sa wikang Hapones). Dear Stage. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-11-30. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kurosaki, Maon (Abril 23, 2010). "メイド・ロード・リロード" (sa wikang Hapones). Ameblo. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Magic∞World" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "メモリーズ・ラスト" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kurosaki, Maon (Hulyo 5, 2011). "AX!!!" (sa wikang Hapones). Ameblo. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 14, 2011. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AX to Host Singer Maon Kurosaki, Orange Road's Matsumoto" (sa wikang Ingles). Anime News Network. Hunyo 2, 2011. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "黒崎真音" (sa wikang Hapones). Animelo Summer Live. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "Butterfly Effect" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hulyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What's ALTIMA" (sa wikang Hapones). Warner Home Video. Nakuha noong Hulyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "H.O.T.D." (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "五色詠-Immortal Lovers-" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Setyembre 15, 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vertical Horizon" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Hell:ium" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "黎鳴-reimei-" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Under / Shaft" (sa wikang Hapones). Oricon. Nakuha noong Hunyo 5, 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)