Mara Clara

Ang Mara Clara ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas na pinagbidahan nina Judy Ann Santos bilang Mara at Gladys Reyes bilang Clara. Isa itong teleserye na isinahimpapawid ng ABS-CBN mula 17 Agosto 1992 hanggang 14 Pebrero 1997. Muli itong iniere sa Studio 23 at Kapamilya Channel, na parehong pagmamay-ari ng ABS-CBN. Ito ay halaw sa nobelang isinulat ni Emil Cruz Jr. na may parehong pamagat. Isinapelikula ito ng Star Cinema noong 1996.

Mara Clara
UriFamily Drama
GumawaEmil Cruz Jr.
NagsaayosABS-CBN
DirektorEmil Cruz, Jr.
Pinangungunahan ni/ninaJudy Ann Santos
Gladys Reyes
Pambungad na tema"Mara Clara" na inawit ni Therese Amper
Pangwakas na tema"Mara Clara" na inawit ni Therese Amper
KompositorNonong Buencamino
Bansang pinagmulanPhilippines
WikaFilipino
Bilang ng kabanata1,165
Paggawa
Ayos ng kameramulticamera setup
Oras ng pagpapalabas30 minutes
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanABS-CBN
Picture format480i SDTV
Orihinal na pagsasapahimpapawid17 Agosto 1992 (1992-08-17) –
14 Pebrero 1997 (1997-02-14)
Kronolohiya
Kaugnay na palabasMara Clara (2010)

Unang iniere ang serye sa oras na 2:30 ng hapon hanggang 1995, at ginawang 2:00 ng hapon mula 1995 hanggang 1996. Noong 1996 hanggang sa katapusan nito noong 1997, ginawang 6:30 pm.

Muling binuhay ang serye ng ABS-CBN noong 2010 na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo bilang bagong Mara at Julia Montes bilang bagong Clara.

Buod ng SeryeBaguhin

Nang ipinanganak sina Mara at Clara sa ospital, sila ay ipinagpalit sa narseri, at ang detalye ng mga pangyayaring ito'y itinala ni Karlo (Dan Fernandez), isang manggagawa sa ospital, sa kanyang talaarawan. Namuhay si Mara bilang pobreng anak nina Susan (Susan Africa) at Gary (Eruel Tongco) David, samantalang ang tunay nilang anak na si Clara ay namuhay sa piling ng mayamang sina Amante (Juan Rodrigo) at Alvira (Beverly Vergel) del Valle. Dahil sa kabaitang taglay ng mag-asawang del Valle, nagpasya silang kunin si Mara bilang kanilang kasambahay at sila rin ang sumagot sa pagpapaaral nito, nang hindi nila nalalamang si Mara ang tunay nilang anak. Sinang-ayunan ni Gary, na isang lider ng sindikato, ang pagtira ni Mara sa mga del Valle upang makapanikil ng salapi mula rito. Samantalang pinahirapan naman ni Clara ang buhay ni Mara dahil sa kanyang palagay, kinukuha ni Mara ang atensiyon ng mga del Valle na para lamang kay Clara. Kinalaunan, malalaman din ang katotohanan at magbabayad din ang maysala.

Mga GumanapBaguhin

Mga Batang PinagpalitBaguhin

  • Judy Ann Santos bilang Mara Davis/Mara del Valle
  • Gladys Reyes bilang Clara Davis/Clara del Valle

Pamilya DavidBaguhin

  • Susan Africa bilang Susan Davis (tunay na ina ni Clara/kinagisnang ina ni Mara)
  • Eruel Tongco† bilang Gary Davis† (tunay na ama ni Clara/kinagisnang ama ni Mara)
  • Dan Fernandez bilang Karlo Davis (kapatid ni Gary)

Pamilya del ValleBaguhin

  • Juan Rodrigo bilang Amante del Valle (tunay na ama ni Mara/kinagisnang ama ni Clara)
  • Beverly Vergel bilang Alvira del Valle (tunay na ina ni Mara/kinagisnang ina ni Clara)

Ibang mga karakterBaguhin