Marcelino Libanan
Si Marcelino Libanan ay isang politiko at kasalukuyang Pinuno ng Minorya ng Pilipinas, ipinanganak si Marcelino Libanan sa Taft, Silangang Samar
Ang Marangal Na Marcelino Libanan | |
---|---|
Pinuno ng Minorya | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan Jul 26, 2022 | |
Nakaraang sinundan | Joseph Stephen Paduano |
Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa Distrito ng Kongreso mula sa Silangang Samar | |
Nasa puwesto June 30, 1998 – April 18, 2007 | |
Nakaraang sinundan | Jose Tan Ramirez |
Sinundan ni | Teodulo M. Coquilla |
Bise Gobernador sa Silangang Samar | |
Nasa puwesto 1992–1995 | |
Personal na detalye | |
Isinilang | Taft, Silangang Samar, Filipinas | 20 Setyembre 1963
Partidong pampolitika | 4PS (2022-present) |
Ibang ugnayang pampolitika | LAMMP (1998-2001) NPC (2001-2004) Lakas-CMD (2004-2007) |
Propesyon | Politician |
Background
baguhinSi Marcelino 'Nonoy' Libanan ay ipinanganak noong Setyembre 20, 1963, sa Taft, Silangang Samar, ipinanganak siya kay Abogado Camilo C. Libanan at Pacita C. Libanan, nag-aral siya sa Taft Elementary School para sa Elementarya, Nag-Seminario de Hesus Nazareno, Borongan para sa High School, at Divine Word University para sa Kolehiyo.
Karera sa politika
baguhinSi Marcelino Libanan ay ang Bise Gobernador ng Silangang Samar mula 1992 hanggang 1995 (o ika-9 Kongreso ng Pilipinas).
Noong 1998, naging Congressman siya ng Distrito ng Kongreso mula sa Silangang Samar sa loob ng tatlong termino, para sa unang termino (o ika-11 Kongreso ng Pilipinas ), kasama siya sa partido politikal na Laban ng Makabayang Masang Pilipino o LAMMP, Para sa ikalawang termino (o Ika-12 na Kongreso ng Pilipinas), kasama siya sa partidong pampulitika Nationalist People's Coalition, o NPC, Para sa ikatlong termino, (o ang Ika-13 na Kongreso ng Pilipinas, kasama siya sa partido politikal na Lakas, Nagbitiw siya ng maaga upang maging ang Komisyoner mula sa Bureau of Immigration noong Abril 18, 2007. [1]
Noong 2022, siya ay naging Pinuno ng Minorya mula sa Pilipinas, kasama ang Political party na 4Ps . [2] [3]
Mga kontrobersya
baguhinNoong Hulyo 2017, sina Marcelino Libanan at dating Eastern Samar Gobyernador Clotilde Salazar ay inakusahan ng The Field Investigation Office (FIO) ng Office of the Ombudsman para sa graft sa pamamagitan ng paggamit ng fertilizer funds mula 2004 hanggang 2008. Ngunit ang mga tagapagpahiwatig ay walang nakitang pagkakasala ng graft. [4] [5]