Si Marcus Cunliffe (1922-1990) ay isang pangunahing Britanikong awtoridad sa kasaysayan at kalinangan ng Estados Unidos. Isa rin siyang propesor at may-akda.[2]

Marcus Cunliffe
Kapanganakan1922[1]
Kamatayan1990[1]
MamamayanUnited Kingdom
United Kingdom of Great Britain and Ireland
NagtaposYale University
Royal Military College, Sandhurst
Trabahohistoryador
Opisinapropesor ()

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Cunliffe sa Lancashire, Inglatera. Nag-aral siya sa Dalubhasaan ng Oriel (Oriel College) sa Oxford, sa Pamantasan ng Harvard, sa Pamantasan ng Yale, at sa Pamantasan ng Stanford. Naging propesor siya sa Pamantasan ng Manchester sa Inglatera, na nagtuturo ng ukol sa kasaysayan ng Amerika at mga institusyon nito. Noong 1965, naging propesor din sa Pamantasan ng Sussex ng Inglatera, na nagtuturo ng paksang Mga Pag-aaral Hinggil sa Amerika (American Studies). Naging propesor din siya sa Harvard, Yale, at Stanford, bukod sa pagiging mag-aaral sa mga pamantasang ito.[2]

Bilang may-akda, siya ang sumulat ng George Washington: Man and Monument (George Washington: Tao at Bantayog) at ng The Literature of the United States (Ang Panitikan ng Estados Unidos).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12022566n; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. 2.0 2.1 2.2 Patrick O'Donovan; Marcus Cunliffe; Alain Clément; Massimo Salvadori; Sigmund Skard; Peter von Zahn; Max Warren; Herbert von Borch; Raymond Aron (1965). "Marcus Cunliffe". The United States, Life World Library. Time-Life Books, Bagong York.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paglalarawan sa may akda ng Kabanata 2: Reinterpreting an Elusive Past ng aklat na ito, pahina 30.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.