Margaret Thatcher
Si Margaret Hilda Thatcher, Baronesa Thatcher, LG, OM, PC, FRS (ipinanganak noong 13 Oktubre 1925 - namatay noong 8 Abril 2013) ay isang politikong Ingles na kasapi ng Partidong Konserbatibo, ang pinakamahabang naglingkod (1979-1990) na Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian noong ika-20 dantaon, at ang kaisa-isang babaeng humawak ng posisyong iyon.[1] Isang mamahayag na Sobyet ang nagbansang sa kanya bilang Iron Lady (Babaeng Bakal), isang palayaw na ikinabit sa kaniya dahil sa uri ng kanyang pamumuno. Ang bansag ay ibinigay sa kaniya ng isang mamamahayag na mula sa Unyong Sobyet. [2] Bilang Punong Ministro, nagpatupad siya ng mga polisiyang konserbatibo na kilala sa tawag na Thatcherismo.
Baronesa Thatcher | |
---|---|
Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian | |
Nasa puwesto 4 Mayo 1979 – 28 Nobyembre 1990 | |
Monarko | Elizabeth II |
Diputado | William Whitelaw Geoffrey Howe |
Nakaraang sinundan | James Callaghan |
Sinundan ni | John Major |
Pinuno ng Oposisyon | |
Nasa puwesto 11 Pebrero 1975 – 4 Mayo 1979 | |
Monarko | Elizabeth II |
Punong Ministro | Harold Wilson James Callaghan |
Nakaraang sinundan | Edward Heath |
Sinundan ni | James Callaghan |
Pinuno ng Partidong Konserbatibo | |
Nasa puwesto 11 Pebrero 1975 – 28 Nobyembre 1990 | |
Nakaraang sinundan | Edward Heath |
Sinundan ni | John Major |
Kalihim ng Estado para sa Edukasyon at Agham | |
Nasa puwesto 20 Hunyo 1970 – 4 Marso 1974 | |
Punong Ministro | Edward Heath |
Nakaraang sinundan | Edward Short |
Sinundan ni | Reginald Prentice |
Kasapi ng Parliyamento for Finchley | |
Nasa puwesto 8 Oktubre 1959 – 9 Abril 1992 | |
Nakaraang sinundan | John Crowder |
Sinundan ni | Hartley Booth |
Personal na detalye | |
Isinilang | Margaret Hilda Roberts 13 Oktubre 1925 Grantham, Lincolnshire, Nagkakaisang Kaharian |
Yumao | 8 Abril 2013 | (edad 87)
Partidong pampolitika | Partidong Konserbatibo |
Asawa | Denis Thatcher (married 1951–2003, his death) |
Anak | Carol Thatcher Mark Thatcher |
Tahanan | Chester Square |
Alma mater | Somerville College, Oxford Inns of Court |
Propesyon | Chemist Abogado |
Noong 1982, inatasan ni Thatcher ang mga tropa ng Hukbong Panlupa ng Britanya na bumalik sa Kapuluang Falkland magmula sa Arhentina. Nakuha ng Arhentina ang Kapuluang Falklands sa loob ng maiksing panahon habang nagaganap ang Digmaan sa Falklands. Nagkaroon si Thatcher ng katayuan bilang pangalawang may pinakamahabang isang termino o tagal ng pagganap sa tungkulin bilang punong ministro sa kasaysayan. Kasal siya kay Denis Thatcher, at nagkaroon sila ng mga anak na kambal: ang isa ay lalaki na si Mark Thatcher at ang isa pa ay babae, si Carol Thatcher.[3]
Nahirapan siya dahil sa malakas na pagsalungat noong naganap ang isang strike (pagwewelga) ng mga mangmimina noong 1984 at noong 1985, isang kaganapan na nagtanggal ng kapangyarihang pampolitika mula sa unyon ng mga minero ng uling. Nagkaroon din ng kontrobersiya nang ipakilala niya sa Britanya ang poll tax (isang uri ng buwis na ipinapataw sa bawat isang tao, ayon sa sensus). Nagsanhi ito ng mga kaguluhan (mga riot) sa maraming mga lugar sa bansa. Ang mga panggugulong ito ang naging dahilan kung napalitan si Thatcher ni John Major noong 1990. Noong 1992, siya ay naging Baronesa Thatcher ng Kesteven, at nasali sa Kabahayan ng mga Panginoon.[4]
Noong kapanahunan ng mga taon na nanunungkulan si Thatcher bilang punong ministro, tumaas ang antas ng mga taong walang mga trabaho, na dumoble noong unang termino niya, at umabot sa 3 mga milyon noong 1982. Nagsimula itong bumabang muli noon lamang sa pagsapit ng hulihan ng dekada ng 1980, at magmula noong kalagitnaan ng dekada ng 1990, nananatili na ang antas sa Britanya ng mababang dami ng tao na walang hanapbuhay, kapag inihambing sa Europang kontinental. Ang mga tagasuporta ni Thatcher ay umaangkin na ito ay resulta ng kaniyang repormang pangkayarian ng pamilihang pangmanggagawa, bagaman sumasang-ayon sa pananaw na ito ng mga sumasalungat.
Malawakang naaalala si Thatcher sa Nagkakaisang Kaharian (United Kingdom o UK) dahil sa hindi niya pagkagusto ng kilusan ng Kaisahang Pangkalakalan - mas makapangyarihan ang mga trade union noong dekada ng 1970, at maraming nagawa si Thatcher upang mabawasan ang impluwensiya ng mga kilusang ito sa katayuan ng industriya sa Britanya.
Sa panghuling mga taon ng kaniyang buhay, nagsimula siyang makaranas at maghirap dahil sa dementia at umurong siya magmula sa mga pakikilahok sa madla magmula noong 2002.[5] Namatay siya dahil sa isang stroke (atakeng serebral) noong 8 Abril 2013.[6] Si Margaret Thatcher ang tanging babae na humawak ng mga puwestong pangtungkulin na Punong Ministro at pinuno ng Partidong Konserbatibo (Conservative Party).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Margaret Thatcher, 10 Downing Street". Government of the United Kingdom. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-20. Nakuha noong 2008-11-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Frei, Matt (2007-10-24). "Washington diary: Best of friends?". BBC News. Nakuha noong 2009-09-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Essential Margaret Thatcher | Margaret Thatcher Foundation". margaretthatcher.org. 2011 [last update]. Nakuha noong 18 Abril 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|year=
(tulong) - ↑ "BBC History - Margaret Thatcher". BBC. Nakuha noong 2013-04-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Book Recounts Margaret Thatcher's Decline". CBS News. 11 Pebrero 2009. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Ex-Prime Minister Baroness Thatcher dies". BBC News. 8 Abril 2013. Nakuha noong 8 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)