Margaritone ng Brindisi
Si Margaritone o Margaritus ng Brindisi (tinatawag ding Margarito; Italyano Margaritone o Griyego Megareites or Margaritoni [Μαργαριτώνη]: c. 1149 – 1197), tinawag ding "ang bagong Nettuno", ang ang dakilang ammiratus ammiratorum (Dakilang Admiral) ng Sicilia. Kasunod ng mga yapak ni Cristodulo, Jorge ng Antioquia, at Maio ng Bari, pinangunahan ni Margaritone ang mga hukbong pandagat ng kaharian sa ilalim nina Guillermo II (1166–1189) at Tancredo (1189–1194). Marahil ay nagmula sila bilang isang Griyegong pirata at dahan-dahang umakyat sa ranggo ng korsaryo bago naging permanenteng admiral ng hukbong dagat. Noong 1185, siya ang naging kauna-unahang konde palatina ng Cefalonia and Zacinto (or Zante). Noong 1192, siya ang naging kauna-unahang konde ng Malta. Pinanghawakan din niya ang mga titulo ng Prince of Tarento and Duke of Durazzo.